Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 31, 2008

Richard Gutierrez - Hindi Gaanong Pinagkaguluhan Sa Bench Fashion Show.

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Richard Gutierrez - Hindi Gaanong Pinagkaguluhan Sa Bench Fashion Show.


Kapansin pansin ang pag dagundong nang Araneta Collesium o paghiyaw nang mga taong nanood nang BENCH:BLACKOUT Fashion Show, nang lumabas ang actor na sina Raphael Rossel, Jake Cuenca, Dingdong Dantes, Jc De Vera, Enchong Dee, Sam Milby at Gerald Anderson. Pero taliwas sa inaasahan nang marami, ay hindi man lang nangalahati ang sigawan nang lumabas ang superstar nang GMA Network na si Richard Gutierrez.

Hindi man lang nangalahati ang sigaw na natangap ni Richard, kumpara sa mga hiyawang natangap ni Sam Milby, Dingdong Dantes, Diether Ocampo, Zanjoe Marudo, at Raphael Rossel. Maging ang hiyawang natangap ni Jon Avila o mas kilala bilang Kapitan Boom ay mas malakas pa kaysa kay Richard na mas kilala bilang Captain Barbell.

Nawawala na nga ba ang magic ni Richard sa masa?

Mas sikat na nga ba sa kanya ang kapwa kapuso star nya na si Dingdong??

Ano naman kaya ang masasabi nang "Monster Mom" at Manager niyang si Anabelle Rama??

No comments: