Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Richard Gutierrez and KC Concepcion arrive from filming "For The First Time" in Greece

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Richard Gutierrez and KC Concepcion arrive from filming "For The First Time" in Greece

Richard Gutierrez and KC Concepcion arrive from filming "For The First Time" in Greece
Lulan ng eroplanong naglipad sa kanila from Dubai papuntang Maynila, bumaba at magkaakbay pang lumabas ng lobby ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) airport sina Richard and KC Concepcion. Nag-stop over kasi ang flight nila sa from Greece to Dubai, boarding another plane back home.

Natapos na kasi ang shooting nila sa Greece ng ilang eksenang kinunan sa pelikula nilang For The First Time ng Star Cinema. Sweet na sweet at iisipin talagang may espesyal nang namamagitan sa dalawa, if their actions speak louder than words. Very obvious na mukhang nauwi na talaga sa mas malalim na unawaan ang samahan ng dalawa.

EXPERIENCING GREECE. Sa magkasabay na panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanila, nagkuwento naman agad sina KC and Richard kung gaano sila nag-enjoy nang husto sa kanilang Greece trip at kung gaano mas lumalim ang kanilang bonding sa 10 days na pagsasama nila dito.

"Siyempre island yun, ibang lugar talaga ang makikita mo dun, ako most of the time, gusto ko lang tingnan yung iba pang mga naroon na puwedeng makita. Kahit gumagawa kami ng mga eksena , parang ‘di ako makapaniwala na nagkaroon kami ng mga kinukunang scenes sa ibang bansa. Masarap kasama sina Direk Joyce, sobrang respetado namin siya kaya ang ganda ng mga nagawa namin. It was realy a nice experience for me kasi first time kong gumawa ng film and maganda ring makita for the first time na gumawa ng film si Richard with Star Cinema and I can say na ang ganda ng kinalabasan ng project," mahaba at masayang pagkukuwento sa PEP ni KC.

"It was such a beautiful place, talagang maganda siya, talagang maganda yung mga eksenang kinunan namin dito, we really enjoy the place," ayon naman ito kay Richard.

SIGHT-SEEING IN SANTORINI. Kinuhanan ang ilan sa mga eksena nila sa Santorini Island, na ayon kina Richard at KC ay isa palang sumabog na bulkan bago naging isang island.

"Volcano before yung buong island na sumabog bago siya naging island kaya ang daming interesting dun. Ang ganda-ganda nung lugar. Isang araw, nag-speedboat kami all around kasi series of island siya. Kumuha kami ng speedboat, umikut-ikot kami, ang ganda talaga. Kumain din kami sa mga carinderia dun, ang babait ng mga tao," pagpapatuloy sa amin ng anak ng Megastar na si Sharon Cuneta..

"In the first couple of days na stay namin, we were able to go around. Nakilala namin yung island, inikot namin yung buong island. Nag-rent kami ng ATV [all-terrain vehicle], ng mga 4x4, in-enjoy namin talaga yung place in a couple of days," kuwento naman ng binata nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

THE CARING AND THE ADVENTURER. Spending more times together na sila-sila lang, aminado naman sina Richard and KC na mas lalo pa silang naging close sa isa't isa at may mga ugali silang higit na na-discover with each other.

"Yeah, of course, mas naging close kami, coz we spend a lot of time together. We really enjoy each other's company. Basta ang na-discover ko lang mas maalaga si KC," papuri pa ni Richard sa kapareha.

"Masaya si Richard na kasama, adventure talaga ‘yan araw-araw. Alagang-alaga ka niya and there's no dull moment ‘pag kasama mo siya," sabi naman ni KC.

NO SIGNAL. Kamakailan ay lumabas ang kuwento na sobrang nag-worry daw si Tita Annabelle kay Richard dahil for the first time ay hindi raw sumasagot sa mga tawag niya ang anak. Ikinuwento naman sa amin ni Richard na nag-usap na sila ng mommy niya tungkol dito at ipinaliwanag naman sa amin ni KC na mahina talaga ang signal doon kaya kahit nga siya ay hindi rin makatawag sa kanila.

"May trabaho kami dun. Minsan talaga yung telepono ko, iniiwan ko, di ko nasasagot yung mga calls niya pero tine-text ko naman siya. Nag-worry lang si Mommy and normal lang yun. Nag-usap na kami ngayon, in-explain ko sa kanya ang nangyari and okey naman," paniniguro sa amin ng aktor.

"Actually, ‘di rin ako makatawag sa bahay, sa signal siguro," dagdag na esplika sa amin ni KC.





Source: PEP

No comments: