Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Regine, wala nang appeal! Songbird, matsutsugi na… next na ang KimSam Soon!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Regine, wala nang appeal! Songbird, matsutsugi na… next na ang KimSam Soon!
Written by Lolit Solis
Regine

NUNG LAST WEEK pala nag-last taping na ang Songbird ni Regine Velasquez.
Sabi naman ng mga staff ng show, hindi naman daw talaga pangmatagalan ‘yun. Ewan ko kung nakapag-one season, pero sinasabi naman nila na sandali lang ‘yun dahil mahirap naman daw sa kanila na patagalin pa.


Siguro, kung maganda ang rating nun, baka tumagal naman kahit paano pero nalipat na nga ng timeslot, hindi naman daw ganun kaganda ang rating kaya siguro tinapos na nga.
Ang dinig ko naman, one season lang daw ang Kim Sam Soon niya kaya bago matapos ang August, matatapos na rin daw ang taping nila.


Naku ha! Hindi na nga ganun kalakas si Regine kaya ano pa kaya kung natuloy ang paglipat niya sa ABS-CBN 2 na hindi na nga nagri-rate ang mga show nila dun?
Tingnan na lang natin kung meron pang bagong programa ang GMA 7 para kay Regine para mapatunayang may lakas pa rin ito.



Source: Lolit Solis via Pinoy Parazzi

No comments: