Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 30, 2008

Rafael Rosell takes criticism of his "Blackout" moment as "part of the business"

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Rafael Rosell takes criticism of his "Blackout" moment as "part of the business"

Rafael Rosell takes criticism of his "Blackout" moment as "part of the business"

Nakatakdang mawala ng dalawang linggo si Rafael Rosell, kasama ang Coverboys sa U.S. tour ng grupo this August. Pero bago pa yun, gumawa ng matinding impact si Rafael sa nakaraang Blackout denim and underwear show ng Bench, na naging controversial dahil sa diumano'y pagkakapili kay Richard Gutierrez bilang pang-finale.

"Hindi ko naman alam na mayroong controversy," sabi ni Rafael sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ayoko talagang mag-comment, kasi baka sabihin nakikisawsaw ako. But I wasn't really aware, hanggang may nagsasabi na nga sa akin.

"Palagay ko, wala namang issue. Kasi wala namang nagrereklamo because Richard got what he really wanted, to be placed in the show's finale. I don't think there's a problem."

May lumabas na sinabi diumano ni Annabelle Rama na mga "laos" lang daw ang naghuhubad, pertaining to all those male celebrity models sa nakaraang Blackout show na tinilian. Isa si Rafael sa naghubad sa show at isa sa mga pinakamalakas na tinilian ng mga tao.

Matagal bago tinext ni Rafael sa amin ang sagot tungkol dito. Halatang pinag-isipan din niya. Heto'ng text message niya:

"Annabelle Rama is a loving and caring mother. It's understandable that she would react like that if things didn't go the way she wanted it for her son. I'm not a mother, and I don't have offsprings of my own. But I do know that mothers only want the best for their children. If that's her opinion, I'll respect that.

"As for me, I don't agree. We were there to work. Some followed the rules and some broke them in the process of having fun and for the purpose of entertaining the audience."

Gusto lang linawin ni Rafael na hindi siya nakipag-compete sa atensiyon para sa iba pa niyang co-models who participated in that fashion event.

"Hindi ko nga sinasabi sa 'yo kung ano ang gagawin ko, di ba? Kasi each of us, may moment sa show. Bahala na kami kung ano ang gagawin namin to be worthy of that moment. If for some, I created an impact, well, thank you. Hindi ko rin kasi alam na kung gagawin yun ng iba, ganoon din ang impact na make-create," pahayag niya.

Walang pakundangan din kasi sa paghuhubad si Rafael. Yung ginawa niya sa nakaraang Bench fashion show ay talaga namang nag-create ng uproar. Mga kamay lang niya ang pinangtakip sa kanyang ari. Hindi naman kayang gawin 'yon ng lahat ng male models.

Nag-enjoy ba siya sa ginawa niyang 'yun?

Ani Rafael, "I can't do anything naman kung negative ang inisip ng ibang tao, na kung inisip nilang desperado ako para gawin 'yon, those people would believe what they want to believe, di ba?

"Primarily, people come up to me and say I did well. Hindi naman daw malaswa. If others would say na malaswa 'yon, I would defend myself by saying na yun kasi ang tingin nila roon, and others don't share the same opinion. Ganoon na lang yun.

"Parang sa mga intriga rin 'yan. They would say, mas okey na yun kesa hindi ako pinapansin. Pero mas gusto ko pa ring napapansin ako in a more positive way. People would believe what they want to believe, so why be bothered?" nangingiting paliwanag pa ni Rafael.

Live and let live na lang ang sinusunod na patakaran ni Rafael sa buhay-showbiz na pinasok niya. In some ways, ini-enjoy na lang niya ang ganitong mga bagay, kaya siguro tumatagal siya rito.

"Hindi naman sa ini-enjoy ko nang sobra kahit negative criticisms," paglilinaw niya. "It's just that I think, it's part of the business. I won't hate naman people for saying bad things about me, pero hindi rin ako magsi-celebrate o gigimik pa para lang isipin na pinapansin nila ako kahit sa ganoong paraan."



Source: PEP

No comments: