Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Piolo Pascual wants rift between leading ladies Claudine and Angel to be settled

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Piolo Pascual wants rift between leading ladies Claudine and Angel to be settled


Piolo Pascual wants rift between leading ladies Claudine and Angel to be settled

Nagmamadaling umalis si Piolo Pascual sa birthday party ng columnist-TV host na si Cristy Fermin sa Metro Bar last Tuesday, July 22. Sa kabila ng hindi magkamayaw na fans na nagpapa-picture at bumabati sa aktor that night, pinaunlakan pa rin ni Piolo ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng maikling interview. Humingi na lang ng paumanhin ang aktor sa aming pagsunod sa kanya hanggang sa kanyang sasakyan na color silver na Hummer sa labas ng Metro Bar para ma-interview.

Hindi na kami nagpaliguy-ligoy pa kay Piolo at tinumbok na namin ang isyu tungkol sa away diumano ng dalawa sa pinakamalalapit na aktres sa kanya na sina Claudine Barretto at Angel Locsin. Si Claudine ay nakatambal ni Piolo sa pelikulang Milan at sa teleseryeng Walang KapalitLobo at sa isang pelikula na sisimulan pa lang nila. samantalang si Angel naman ay naging leading lady ng aktor sa katatapos lang na

"Wala akong sasabihin kasi mahirap magsalita because gaya nga ng kasabihan, mahirap maipit sa dalawang bato. And, hindi ko po alam, e. Wala naman akong alam sa nangyari. Wala rin akong nakakausap sa kanila regarding the incident. So, I don't think I'm in the position to comment.

"But if there's anything I'd like to say, gusto ko magkaaayos sila kasi napakaliit ng industrya, more so ng ABS-CBN, para hindi sila magkita. So, ang wish ko lang, ang prayer ko is talagang for them to patch things up and sana magkapatawaran and magkabati kasi mahirap ding lumugar. Dahil nga kung may isyu nagkakaroon ng ilangan," maingat na pahayag ni Piolo.

Willing ba siyang maging mediator para magkabati sina Claudine at Angel?

"If there's kinda help I can extend, yeah. I'm willing kung kinakailangan po talagang makatulong, gagawin ko kasi pareho silang malapit sa akin," sagot ng aktor.

May nagkuwento ba sa kanya tungkol sa tunay na pangyayari ng awayan diumano nina Claudien at Angel?

"Ah, I heard so many things about it."

Knowing the two of them, sa tingin ba ni Piolo ay may nagkamali nga ba sa dalawa?

"Let's just say may point sila siguro pareho."

May mensahe ba siya na nais iparating kina Claudine at Angel?

"Sana magkapatwaran na. Let us humble ourselves. Isantabi muna natin ang pride. And let's be giving and compassionate."

Sa pagkakilala niya sa dalawa, naniniwala ba si Piolo na posibleng may nangyari talaga na engkuwentro sa salon sa pagitan nina Angel at Claudine?

"Hindi ko po alam," sagot niya. "Seriously, hindi ko papaniwalaan ang kuwento hanggang walang nagsasabi sa akin."

May lumabas na kuwento na ipinagtanggol daw niya si Claudine nang nagkaroon sila ng away ni Angel? Totoo ba ito?

"I'd rather not comment about that," sabi ni Piolo. "Angel and I are good friends, so with Claudine. So, I don't think na kailangan pang palakihin ‘yon. Si Clau, mas matagal kong kaibigan; pero si Angel naging kaibigan ko rin, so ayaw ko nang makisawsaw doon. Ayoko nang mag-comment pa if there's anything else."

Ang huling balita na nakarating sa PEP ay nagharap na sina Claudine at Angel sa isang undisclosed meeting upang ayusin ang anumang gusto na namagitan sa kanila.

Tinanong na rin namin si Piolo tungkol sa movie na gagawin nila ni Angel sa Star Cinema.

"Ma-gstart na kami ng shooting next week. We will be in Bukidnon for a couple of weeks. Then, diretso na kami sa Australia mga middle of August."

Balita na kailangan nilang mangabayo sa movie ni Angel. Naga-aral ba siya mangabayo?

"I'm training every other day. And tomorrow training ulit ako at 8:00 a.m. Angel is also training with me," saad ni Piolo.



Source: PEP

No comments: