Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 31, 2008

Piolo Pascual - Baka Hindi Na Magrenew Nang Kontrata sa BENCH!!!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Piolo Pascual - Baka Hindi Na Magrenew Nang Kontrata sa BENCH!!!


Ayon sa isang mapapagkatiwalaang source, ay dapat pala ay si Piolo Pascual ang lalabas sa finalé nang BENCH fashion show. Ngunit lahat ay nagbago nang hindi pumayag ina at manager ni Richard Gutierrez na si Anabelle Rama, na hindi ang kanyang anak ang mag final walk.

Noong una daw ay hindi pumayag si Ben Chan (may ari nang BENCH), at kinausap si Anabelle Rama na baka pede ay kahit sabay na lang na mag final walk ang dalawa. Ngunit hindi pa din daw pumayag si Anabelle ang nagtangkang i-pull out lahat nang talents pag hindi si Richard lang ang mag final walk. Doon daw na alarma si Ben Chan, dahil most of the image model nang BENCH ay alaga nang naturang manager.

Kaya kinausap ni Ben si Piolo, at ang star magic kung okey lang na hindi siya ang mag finalé. Payag naman si Piolo, ngunit ang star magic daw ang hindi pumayag, dahil hindi yun ang napagusapan. At dun na nga nagpasya ang star magic na hindi ilahok si Piolo sa naturang Bench Blackout Fashion Show.

Dahil dito, pinag iisipan na daw nang Star Magic kung ire-renew pa nila ang kontrata sa naturang clothing brand. At kung saka sakali dalawang big star image model nang bench ang mawawala. Sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual.

No comments: