Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, nag-BACK OUT SA BLACKOUT!!!


Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, nag-BACK OUT SA BLACKOUT!!!




Nakakaintriga ang hindi pagrampa nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz sa BLACKOUT fashion show ng Bench noong Biyernes nang gabi sa Araneta Coliseum

Tikom ang bibig ni G. Ben Chan (may-ari ng Bench) sa usaping ito.

Usap-usapan din na muntik nang ipa-back out si Dingdong Dantes dahil sa kung ano mang gulo kaugnay sa nasabing palabas.

Pero pupuwede ba 'yon?

Eh, kaya nga kinuha ng Bench Body si Dingdong ay para siyang maging 'star' sa underwear segment ng BLACKOUT!

Okey nang hindi si Dingdong ang finale. Hindi siya nagmukhang dekorasyon. Pinalakpakan nang husto ang kanyang pagrampa.

Kaya lang, nakakabitin!

Sandali lang ang pag-a-underwear niya!

'Yung pagrampa ni Richard Gutierrez nang topless ay parang repeat ng ginawa niya sa 'Bench Fever' two years ago.

Si Sam Milby ay pumukaw rin ng pansin ng mga manonood.

Kabilang pa sa mga modelo ng BLACKOUT sina Rafael Rossel (na naghubo't hubad), Jake Cuenca (nag-T Back pero nakapantalon), Diether Ocampo (kita ang hiwa ng puwet), Angelica Panganiban, Sarah Geronimo, Shaina Magdayao, Alessandra de Rossi, Francine Prieto, Ehra Madrigal, Michelle Madrigal, Maggie Wilson, Rufa Mae Quinto, Jennifer Lee, Carlene Aguilar, Bubbles Paraiso, Nancy Castiglione, Jay-R, Jomari Yllana, Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Ryan Eigenmann, Marco Alcaraz, Enchong Dee, Zanjoe Marudo, Jon Avila, Bruce Quebral, Kian Kazemi, Jon Hall, John Prats, Rayver Cruz, Ejay Falcon, Robi Domingo, JC de Vera, Luke Jickain, Carlo Guevarra, Carlos Concepcion, Benj Basa, Bugz Daigo, Gerald Anderson & Kim Chiu, Christian Bautista & Rachelle Ann Go, John Estrada and Priscilla Meirelles, at siyempre pa, si Richard Gomez and Lucy Torres.

Ang BLACKOUT ang ika-anim na edisyon ng biennial denim and underwear show ng Bench. Nauna noong 1998 sa Mars Discotheque, na sinundan ng Brief Encounters (2000, dalawang show sa World Trade Center at isa sa Waterfront Hotel Cebu), One Night Only (2002, Araneta Coliseum at Waterfront Hotel Cebu), Understatement (2004, Araneta Coliseum) at Bench Fever (2006, Araneta Coliseum).

Jerry Olea, Abante Tonite


JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

No comments: