Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 21, 2008

PDA scholar Bugoy, gay?

PDA scholar Bugoy, gay?


WALANG comment si Billy Crawford kapag tinatanong namin sa kanya kung tingin ba niya ay bading si Bugoy na isa sa scholars ng Pinoy Dream Academy Season 2.

Interesting ang line-up ng PDA Season 2 kaya maganda ang ra­ting nito.

Marami siguro ang sumusubaybay sa kanila, lalo na kung may kani-kanya silang kadramahan.

Naintriga kami kay Bugoy na napakagaling kumanta, pero hindi maitago ang kahinhinan.
Nahahalata na may kinikimkim siyang pagtingin kina Hansen at Van na malapit sa kanya sa loob ng Aca­demy.

Ang palusot niya, naging possessive lang siya sa dalawa niyang bestfriends dahil wala siyang kapatid na la­laki.

Dito lang daw niya naramdaman ang “bro­therly love.”

Umaarko ang mga kilay namin sa hitad na Bugoy kaya tinututukan namin itong kuwento niya.

No comments: