Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

Patay na, Richard Gutierrez, ipinagsigawan pa...SHARON CUNETA, BOTO KAY PIOLO PASCUAL PARA KAY KC CONCEPCION


Patay na, Richard Gutierrez, ipinagsigawan pa...SHARON CUNETA, BOTO KAY PIOLO PASCUAL PARA KAY KC CONCEPCION



PARANG dekada ang pinalipas ng 'mag-inang" Governor Vilma Santos-Recto at Piolo Pascual nu'ng magkita sila sa Metro Bar sa higpit ng kanilang yakapan. Nakakatuwa nga si Governor Vilma dahil kapag nagpapalitan kami ng text ay hindi niya nakakalimutang kumustahin sa amin si Piolo, ang naging anak niya sa pelikulang Dekada '70, matunog na mommy ang tawag sa kanya ng guwapong aktor.

Habang kumakanta si Piolo nu'ng gabi ng aming selebrasyon ay nakikihalo sa sigawan ng manonood ang Star for All Seasons, kulang na lang na isigaw pa niyang "Anak ko 'yan!" dahil talagang masayang-masaya siya sa tagumpay ng aktor.

Ang Megastar naman ay nakisigaw na rin, pero nu'ng tawagin na ito ng Ate Sharon ni Piolo ay nagkomento ang aktres, "Wala na! Patay na! Inate na niya ako, para sa anak ko na lang siya ngayon at hindi na para sa akin!" sabay bungisngis na kanyang-kanya lang talaga.

"Napakamarespeto ng batang 'yan, very humble, kahit sikat na sikat na siya ngayon, wala siyang kaere-ere!" papuri naman ni Governor Vilma kay Piolo Pascual.

Napakatotoo.

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar


JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

No comments: