Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 31, 2008

PARANG may Andrew Schimmer's Film Festival ngayong Agosto dahil tatlong pelikula niya ang sunud-sunod na ipapalabas this month. Una ay ang Project X

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

PARANG may Andrew Schimmer's Film Festival ngayong Agosto dahil tatlong pelikula niya ang sunud-sunod na ipapalabas this month. Una ay ang Project X

















PARANG may Andrew Schimmer's Film Festival ngayong Agosto dahil tatlong pelikula niya ang sunud-sunod na ipapalabas this month. Una ay ang Project X ng Leo Films na showing on August 6, pangalawa ay ang Toroto ng Viva Films na ipapalabas naman sa August 20 at ang Eskandalo na mapapanood naman sa August 27.

Sa Project X ay gagampanan ni Andrew ang role na isang male impersonator na magkakaroon ng relasyon sa kanyang gay manager na ginagampanan naman ni Mon Confiado.

Sa Eskandalo ay si Emilio Garcia ang kasama niya kung saan ay may shower scene silang dalawa.

Sa Torotot naman naman ay kasama niya sina Baron Geisler, Yul Servo, Maui Taylor at ang tinaguriang Playmate ng Bayan na si Precious Adona.

Ang Eskandalo at Project X ay parehong gay films kaya tinanong namin si Andrew kung hindi ba siya natatakot na ma-typecast sa ganitong klase ng pelikula.

"Ako naman po, as long as may trabaho ako, masaya po ako. Para sa akin, kahit anong role, okay as long as nabibigyan ko ng justice 'yung role at nagagawa ko 'yung trabaho nang mabuti," he said.

Kinumusta namin sa kanya ang ex-girlfriend niyang si Katrina Halili at sabi niya ay mabuti naman silang magkaibigan ngayon. May communication naman daw sila at alam nga niya na may gagawin itong pelikula na Miss X.

"Para ngang nagkataon, may Miss X siya, may Project X naman ako," nangingiti niyang say.

Natutuwa raw siya sa nangyayari sa career ni Katrina and he hopes na lalo pa itong maging successful.

Siya naman ay wala pa ring girlfriend at mas gusto raw muna niyang patunayan ang sariling kakayahan sa showbiz kaya puro training and self improvement ang kanyang inaasikaso for the past two years.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

1 comment:

lordmanilastone said...

Hi Joker, sis, si lordmanilastone itech, baka naman puwede mo ako ilagay sa blog roll mo, ok lang sa akin, na copy paste ka sa mga articles ko, basta i-link mo naman ang blog ko, you know, araw-araw ako bumibili ng diyaryo tapos maraming oras din ang ginugugol ko sa pagta-type, thanks, don't worry, pati ikaw, i-link ko rin sa site ko....thanks...