Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 17, 2008

Parang hindi 100% Pinay, ang sama ng ugali BEAUTY QUEEN-TV HOST-ACTRESS MABAIT KUNO, SUPER-MALDITA NAMAN PALA

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Parang hindi 100% Pinay, ang sama ng ugali BEAUTY QUEEN-TV HOST-ACTRESS MABAIT KUNO, SUPER-MALDITA NAMAN PALA



BLIND ITEM: HAY naku, Ateng Janiz and dear readers, ibang klaseng katarungan naman ang isinisigaw ng nagbalita sa amin ng item na ito.

This concerns a beauty-queen-TV host-actress na ang akala raw nila noong una ay may maganda ring pag-uugali gaya ng nakita sa kanya ng buong mundo during her reign as our country's bet sa isang international pageant.

Tsika ng aming impormante, "Nag-apply sila para sa internet connection sa bahay nila. Makulit nga silang nag-follow-up hanggang sa pinuntahan nga namin."

Bukod sa pinaghintay na raw sila nang matagal bago sila finally pinapasok despite the several identifications na hiningi sa kanila (bukod pa sa nakumpirmang sila ang authorized agents, ha?), e, nag-emote pa raw ng mga anik-anik na technical demands ang beauty queen.

"Okey lang naman 'yung pahirapan kami at alamin nila ang mga ini-install namin, pero sana naman ay hindi na kami pinabalik-balik pa at pinaghintay nang mahabang oras. Tapos, nu'ng papirmahin na namin sila na ganitong oras kami dumating at natapos, hirap na hirap pa kaming magpapirma na akala mo'y sa kanila sisingilin ang trinabaho namin," kuwento pa ng nagrereklamo sa amin.

Naku, hindi lang 'yun ang height ng kaekekan ni beauty queen. Pinaghintay na nga sila, pinabalik pa rin sila at nagtagal sa trabaho nila, ni hindi man lang daw sila inalok kahit ng isang basong tubig. Hindi na nga nagmeryenda, e, kundi ultimo tubig, ipinagdamot pa!

Kaya naman pala natatapilok ang babaeng ito hindi dahil sa 'clumsy siya o anuman'. Marahil, sadyang marami ang naghahangad na madapa nga siya dahil sa kamalditahan niya, hahaha!!!

Halaw sa panulat ni Ambet Nabus sa kanyang column sa Diyaryong Buglar

No comments: