Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 31, 2008

Para lang magkaanak sa poging aktor...AI AI DELAS ALAS, HUMINGI NG SPERM KAY PIOLO PASCUAL

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Para lang magkaanak sa poging aktor...AI AI DELAS ALAS, HUMINGI NG SPERM KAY PIOLO PASCUAL
















NAKUNAN na pala ang sexy scene ni Ai Ai delas Alas sa Ang Tanging Ina N'yong Lahat kung saan for the first time ay makikita ang Comedy Concert Queen in a two-piece bikini.

Nagulat nga raw siya nang sabihin ng direktor niyang si Direk Wenn Deramas na kukunan na that day ang bikini scene dahil hindi raw siya handa't feeling niya ay medyo mataba siya. Disin sana raw ay nakapag-reduce muna siya.

Actually, hindi naman first time ni Ai Ai na magpapakita nang nakapanty sa movie.

"Meron kasing pamahiin si Direk Wenn na kapag may eksena akong naka-panty sa movie ko, kumikita. Sa Ang Tanging Ina, may eksena akong naka-panty ako ru'n, e, 'yung violet. Tapos sa Ang Cute Ng Ina Mo, may eksena rin akong naka-panty," sabi ni Ai Ai.

But this time, sa Ang Tanging Ina N'yong Lahat ay two-piece bikini na talaga and the funny thing is, nasa restaurant daw siya sa eksenang 'yun.

"Menopausal na kasi ang role ko rito, malapit na akong mag-menopause, so parati akong naiinitan. E, nasa restaurant ako, natutuliro ako, ayun, naghubad ako, wala ako sa sarili," kuwento ng comedienne.

Ang nakakatuwa, last Sunday sa A.S.A.P '08 ay hindi niya raw namalayang ganu'n din ang ginawa niya.

"Kasi may isa pa akong jacket, tapos, binuksan ko, nakalimutan ko, wala pala akong t-shirt sa loob. Akala ko, may t-shirt ako sa loob, inalis ko nga pala dahil para hindi dumaan sa wig ko. E, ang init-init kaya binuksan ko ang jacket. 'Yun pala, nakikita na ang boobs ko. Buti na lang, hindi nakatingin si Piolo (Pascual)," kuwento pa ni Ai Ai.

Mabuti na lang daw at si Vina Morales lang ang nakakita sa kanya at tawa nga raw nang tawa ang aktres-singer.

But on the second thought, nanghinayang si Ai Ai na hindi nakita ni Piolo ang kanyang boobs.

"Sayang nakita sana ni Papa P. (tawag kay Piolo). Naku, dati nga, nagpapaanak ako ru'n, e. Sabi ko, 'Papa P. penge namang sperm. Ipapalagay ko para may anak ako?' Ayaw niya," natatawang kuwento pa ng Comedy Concert Queen at nagtawanan na rin ang lahat.

Sa ngayon ay bising-busy si Ai Ai promoting her upcoming concert na gaganapin sa Sabado, August 2 sa Timog-Zirkoh kung saan ay guests niya sina Erik Santos, Richard Poon at Sexbomb Dancers titled Tanging Ai Ai..In Concert.

Dahil ngayon pa lang niya makakasama si Richard sa isang concert, nag-iisip si Ai Ai ng gimik para maging memorable sa singer at sa lahat ng manonood ang naturang show.

This early ay pinaplano na ni Ai Ai ang malaking concert niya sa Araneta Coliseum on 2010 bilang selebrasyon ng kanyang 20th anniversary in showbiz.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: