Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 29, 2008

Papi Willie Revillame, wala raw tayong pakialamd 'un...CRISTINE REYES, INAMIN NA ANG RELASYON NILA NI DENNIS TRILLO

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Papi Willie Revillame, wala raw tayong pakialam d'un...CRISTINE REYES, INAMIN NA ANG RELASYON NILA NI DENNIS TRILLO


HINDI man diretsahang umaamin sina Cristine Reyes at Dennis Trillo ay lantad na ang relasyon nila.

"Hindi naman po 'yung sobrang lantad talaga, discreet lang. Tipong ayaw lang kasi namin na masyado kaming iniintriga ng mga tao, lalo na kapag magkasama kami. Siyempre, kahit naman sinong tao, ayaw nang pinakikialaman ng ibang tao, 'di ba?

"Open naman po talaga kami, kasi wala naman kaming dapat itago. Kung itinatago namin, hindi lalabas-labas. Ang ayaw lang po namin, 'yung pinakikialaman kami ng iba," pahayag ni Cristine.

Umaamin na ba siya officially na boyfriend na niya si Dennis?

"Hindi pa nga po officially, pero ganoon na rin po 'yun, hindi ba? I mean, hindi na kailangang aminin 'yung mga ganoong bagay dahil ayoko rin 'yung ibubulgar pa na, 'Ay, kami na,' ganoon...Mas gusto ko kasi 'yung tahimik lang," deklara pa ng bida sa Eva Fonda.

Period!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: