BLIND ITEM: KUWENTO ito ng isang magkapatid na lalaki na parehong nagtatago ng lihim ng bawat isa. Ang isa ay artista, ang isa naman ay matagal nang pinag-aartista ng mga nakakakita sa kanya, pero hindi pa bahagi ng showbiz.

Mas nakatatanda ang aktor sa kanyang kapatid, guwapo rin ito na tulad ng kanyang kuya, kaya maraming bading ang nangangarap na makasalo ito sa kaligayahan.

Maraming kuwento ang aming source tungkol sa magkapatid na ito, nakakaloka ang kuwento, pareho silang walang kaalam-alam na pinagsisinungalingan pala nila hindi lang ang ibang tao kundi pati na ang kanilang mga sarili.

"Ganito 'yun, kilala naman 'yung actor na pumapatol talaga sa bading. Hindi naman siya pretensiyoso, kung naglilinis-linisan ang ibang artista riyan, ibahin natin siya.

"Ganu'n siya kadiretso, pumapatol siya sa bading for a fee, sinasabi niya ang totoo. Ang kanyang katwiran, katawan ba ng ibang tao ang napapagod kapag ginagawa niya 'yun?

"Katawan ba nila ang laspag kapag sumasama siya sa bading for a one-night-stand? Ganu'n siya kaprangkang tao, hindi siya mapagmalinis, hindi niya ipinagbabanduhan ang mga ginagawa niya pero kapag tinatanong siya, inaamin niya ang katotohanan," simulang kuwento ng aming impormante.

Ang aktor na ito ay may kapatid na guwapo rin, sumasama-sama rin sa kanya ang bagets, kaya marami rin itong nakakakilalang bading sa showbiz at sa ibang larangan.

"Nakuha ng isang kilalang bading ang aktor, isinama siya sa bahay ng bading, ilang ulit silang nagkasama sa paglipad sa alapaap. Mabait kasi ang aktor na'yun, marespeto siya sa mga bading, kaya pagkatapos ng kanilang milagro, magkaibigan pa sila.

"Pero ang bading na kumuha sa kanya, e, malikot. Hindi siya nagkakasya sa isang lalaki lang, halos gabi-gabi, iba-ibang lalaki ang isinasama niya sa kanyang bahay.

"May mga artista, may basketball players, may mga bagets na nakilala lang niya sa bar, kaya 'yung kapatid ni ____(pangalan ng kilalang aktor), hindi rin nakaligtas sa makati-pa-sa-laing-Bicol na bading na ito," patuloy na kuwento ng aming impormante.

Isinama rin ng bading sa kanyang bahay ang bagets, walang kaalam-alam ang aktor na pati pala ang kanyang kapatid ay nadagit na rin ng bading, pero heto ang nakakalokang kuwento.

"isang araw, isinama ng bading sa bahay niya ang magkapatid, nu'ng pumasok na sa kanyang bedroom ang dalawa, ang sabi nu'ng aktor, 'Ay, ang gand naman ng room mo!'

"Sabi naman ng kanyang bagets na kapatid, 'Oo nga, ang laki naman ng bedroom mo, ang ganda pala!' Nakakaloka ang magkapatid, pareho na silang naikama nu'ng bading, pero kunwari, e, hindi pa sila nakakaraing du'n!

"Ang bading naman, proud na proud sa paglolokohan ng magkapatid, mahabang-mahaba ang kanyang hair, dahil pareho na niyang nakaulayaw sa kaligayahan ang magkuya na pareho pang nagkukunwari!" tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Winner talaga ang magkapatid na ito, panalung-panalo ang kanilang pretensiyon, may mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar