Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 8, 2008

PALENGKERANG AKTRES MANGKUKULAM ANG TAWAG NG FANS

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News
PALENGKERANG AKTRES MANGKUKULAM ANG TAWAG NG FANS


BLIND ITEM: PATULOY pa ring naglalabasan ang 'suplada image' ng aktres. Sa kabila raw ng kanyang inosenteng mukha at kagandahan, nakaka-turn-off naman ang kanyang pag-uugali.

Ayon sa e-mail na natanggap namin...

"My sister usde to a talent. One time, nag-extra siya sa TV show niya (supladang aktres). I asked her to take a picture of _____ and of course, autograph. Somewhere in San Pablo, Laguna ang venue, last November 2007.

"Excited ang kapatid kong magpa-picture. Marami ang gustong magpa-picture sa kanya that time pero ayaw niya, iniirapan niya ang mga talents.

"Mga 8 am pa lang nu'n, my sister patiently waited para makapagpa-picture. Nagmakaawa pa siya sa staff. Ayaw na sana niya kasi ang tagal na niyang nakatanga sa labas ng dressing room. Nakapagpa-picture siya at 9 pm (ganu'n siya katagal pinaghintay).

"After the picture taking, sabi ni _____, 'Bayad mo, tatlong piso!' in a sarcastic voice sabay halakhak at irap knowing na napakaraming tao sa set. Out of 10 na gustong magpa-picture, kapatid ko lang ang nakapagpa-picture. Disappointed lahat ng talents sa tagal ng paghihintay nila sa labas ng dressing room.

"Sa lahat ng cast ng serye, nakapagpa-picture sila, kay _____ lang hindi. Masyado siyang galawgaw, palamura, pasikat, palengkera!!!

"Bagsak ang ratings niya pagdating sa ugali. Nalunod agad siya sa isang basong tubig kahit marunong siyang lumangoy sa serye niya, huh!

"She's one of a kind, a WITCH by her own ways," sabi pa sa e-mail.

Talbog!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: