Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Pagpirma ni Lorna Tolentino sa Dos, good move para sa aktres!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Pagpirma ni Lorna Tolentino sa Dos, good move para sa aktres!
Written by Atty. Tonton Villamor
Lorna Tolentino

ISANG NAPAKAGANDANG MOVE ang ginawa ni Lorna Tolentino at ng kanyang manager na si Lolit Solis kung totoo man na pumirma na ito o pipirma pa lang ng kontrata sa ABS-CBN. Ito’y dahil iisa lamang ang ibig sabihin nito, makakaalis na si Lorna sa pagiging tsismosa sa Startalk. Sa kanyang pagiging isang award-winning na aktres, hindi ko talaga ma-imagine kung bakit biglang isinalpak si Lorna sa nasabing showbiz-oriented program.


Hindi sa minamata ko ang Startalk dahil so far ay ito lagi ang leading sa rating sa hanay ng mga showbiz oriented talkshows, pero sa isang tulad ni Lorna na maging host ng isang tsismis program, hindi nababagay sa imahe nito.


People look up to her because she has managed to harness her craft. Pabayaan na kina Ruffa Gutierrez at Kris Aquino ang ganoong klaseng format ng show dahil nakakatuwa ang pagiging taklesa ng mga ito, ngunit hindi sa isang tulad ni Lorna na prim-and-proper kaya saludo ako sa actress at sa manager nito.



Source: Pinoy Parazzi

No comments: