Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Pagkatapos kina Jericho Rosales, Miko Sotto at Victor Neri, ANGELIKA DELA CRUZ, WALANG PLANONG PAKASAL SA BAGONG BF

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Pagkatapos kina Jericho Rosales, Miko Sotto at Victor Neri, ANGELIKA DELA CRUZ, WALANG PLANONG PAKASAL SA BAGONG BF


NU'NG isang buwan, nakasama namin sa table ang mag-amang Ernie at Angelika dela Cruz nang dumalo kami sa debut ni Princess Nina Lacson sa Promenade ng Mall of Asia.

Ang escort ni Angelika ay ang BF na si Orion at dahil kabisado naming 27 years old na ang aming kabayang si Tisay ay tinanong namin kung kelan ang kasal. Napangiti lang ito at dedma naman ang kanyang ama.

At kahit sinabi ni Ernie na wala siyang magagawa kung type ng byuti at talented daughter na mag-settle down na'y feel naming tutol pa rin ang aming friend.

Kunsabagay, sa panahon ngayo'y di matatawag na huli na sa biyahe ang isang babaeng nasa late 20s lalo't career-oriented. Kung mukhang seryoso man si Tisay sa dyowa, maaaring 'di pa naman ibig sabihi'y altar-bound na sila. Kasi'y after her puppy love na si Jericho Rosales, seryoso rin naman ang relasyon ng dalaga kina Miko Sotto at Victor Neri.

Whatever, wala naman daw inililihim ang anak sa ama. Ganu'n sila ka-close, kaya kampante si Ernie na wala pang kasalang magaganap this year.

After Babangon Ako't Dudurugin Kita ay isa na namang Dramarama sa Hapon ang gagawin ni Angelika. Remake ito ng Sharon Cuneta-Richard Gomez-Dawn Zulueta movie na Una Kang Naging Akin.

Napakadramatiko at romantiko ng istorya nito. Tanda nami'y nagkaroon ng amnesia si Chard kaya nagkaroon siya ng dalawang misis sa istorya. Si Angelika ang Dawn pero 'di pa niya alam kung sino ang Sharon at ang Goma. Last week of this month daw ang simula ng taping ng serye.

Halaw sa panulat ni Nene Regio sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: