Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 10, 2008

PAGBIBIGAY NG SINGSING NI JOHN PRATS KAY SHAINA MAGDAYAO, CHARING LANG

PAGBIBIGAY NG SINGSING NI JOHN PRATS KAY SHAINA MAGDAYAO, CHARING LANG
















SA naging pahayag ni John Prats sa The Buzz last Sunday, lumalabas na hindi pa naman pala niya nabibigyan ng singsing ang kanyang rumored girlfriend na si Shaina Magdayao contrary to what have come out in the papers na meron na raw bigayan ng ring na naganap!

"'Wag kayong mag-alala, magbibigay din naman ako. Sana lang, hindi na lang pinangungunahan," naging pahayag ni John.

"Hindi naman yata maganda kung hihingin mo," sey naman ni Shaina.

Pero kung ang relasyon daw nila sa ngayon ang pag-uusapan, "Kami kasi, we grew up together. Kaya I really enjoy kung anong meron kaming friendship. At ipinapromise ko sa kanya (Shaina), hinding-hindi mawawala 'yun," sabi pa ng aktor at mahusay na dancer.

Kaya sa mga excited na sa singsing, relax na lang muna kayo. As per John, darating din naman daw 'yun kaya wait na lang kayo.

So there.

Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: