Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Pader nina Cltuaudine at Angel muntik nang maging tulay

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Pader nina Cltuaudine at Angel muntik nang maging tulay

Claudine @ Radio Veritas
Angel Locsin

Nung dumating si Angel Locsin sa selebrasyon ng aming kaarawan sa Metro Bar ay naglaro agad ang utak ng mga nandun. Sana raw ay dumating din agad si Claudine Barretto, sana raw ay magkrus ang landas ng dalawang aktres, para ang pader ay maging tulay na.

Napakasimple ni Angel, wala siyang ka-make-up-make-up, pero ang ganung klase ng ganda kailanman ay hindi nakadepende sa kolorete sa mukha. Pinagkaguluhan agad ang dalaga, kani-kanyang pitik na ang mga kamera, pati ang mismong mga pamangkin namin na sumubaybay sa kanila ni Piolo Pascual sa Lobo ay nakita na lang naming nakipagsiksikan na para lang makapag-picture taking kay Angel.

Nanghihinayang din kami sa pagkakataong sana’y ipinagkita na nila ni Claudine, si Gretchen Barretto ang nandun at hindi ang nakasalo as kontrobersiya ng dalaga, ipinapalagay na lang namin na hindi pa siguro yun ang takdang panahon ng kanilang pagkikita.

Kung yun na ang nakatakda ay wala namang makapipigil, siguradong magtatagpo ang landas nila, at kung nangyari yun ay kilala namin ang dalawang aktres na ito.

Magpapairal pa rin sila ng edukasyon, walang bastusang mangyayari, dahil pareho nilang gustong linisin na ang kanilang daan para kapag nagkita sila’y walang nakaharang.

Gusto naming pasalamatan si Angel dahil sa kabila ng pagbibigay namin ng mga opinyon kung minsan na hindi paborable sa kanya ay may puso siyang marunong umunawa.

Nasabi namin yun dahil sa kanyang katwiran na “Okey lang po yun, naiintindihan ko naman po ang trabaho n’yo. Ang mahalaga po, nandito ako para bumati sa birthday n’yo.”

Habang pinagkakaguluhan ng mga nandun si Angel ay tingin naman nang tingin ang marami sa hagdan, may mga umaasang bigla pa ring susulpot si Claudine, para sana’y matagpian na ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

1 comment:

benhur said...

we will support angel all the way . . .