Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

Pa-mhin na male singer, itsinismis na ng suking callboy kaya lumabas na sa closet, nagladlad na...

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Pa-mhin na male singer, itsinismis na ng suking callboy kaya lumabas na sa closet, nagladlad na...

TALAGANG umaalagwa na ngayon ang paglaladlad ng kapa ng isang magaling na singer. May kinausap pala kasing mga kaibigan ang magaling na singer na ito, hindi niya alam ang kanyang gagawin noon, nagdadalawang-isip siyang lumantad dahil masisira ang kanyang imahe.

Pero ang napagtanungan niyang mga kaibigan ay may malawak na isip, sinabi ng mga ito sa kanya na minsan lang siyang mabubuhay, kaya huwag na niyang pagdamutan pa ang kanyang sarili ng mga bagay-bagay na makapagpapaligaya sa kanya.

Naiintindihan din ng kanyang mga kaibigan ang paghihirap ng kanyang kalooban, hindi natural ang kanyang mga galaw, meron pang ini-li-link na female singer sa kanya na hindi naman niya type.

Kung type man niya ang female singer ay hindi siguro para karelasyunin niya, mas type niya itong kulutan o make-up-an, dahil magkapareho lang naman ang kanilang hanap.

Kuwento ng aming source, "'Di ba, nu'ng minsan, e, ikinuwento ko na sa inya na pumik-up siya ng bagets sa Timog? Nabaitan sa kanya 'yung bagets, marespeto raw siya, kaya sinabi sa kanya ng bagets na anytime siyang mangailangan ng makakasama, ready ang guy na batambata pa.

"Dalawang beses silang nagkasama sa pagbibiyahe sa langit, masaya ang bagets, dahil bukod sa mabait na si _____ (pangalan ng magaling na male singer kuno), maganda pang maghatag ng talent fee.

"Pero nagtataka ang bugaw na unag pinagkunan niya ng bagets, hindi na siya nagpapatawag ngayon, kinutuban ang bugaw kung bakit," kuwento ng aming source.

Nadiskubre ng bugaling na dumidirekta na pala ngayon ang magaling na singer sa mismong bagets na dalawang beses niyang nakaulayaw sa kaligayahan, ito na ang nagsusuplay ngayon sa kanya ng mga kalalakihan, silang dalawa na ang magkanegosyo ngayon.

"Natatakot daw kasi siya dahil masyado nang kilala sa showbiz ang bugaw na pinagkukunan niya, masyado nang malalantad ang pangalan niya sa bugawan kaya ru'n na lang siya sa bagets umoorder ng pabarito niyang pagkain.

"Ang hindi niya alam, e, mas madaldal 'yung bagets, baguhan pa lang naman kasi 'yun sa trade, maingay pa, wala pang gaanong experience, kaya kung sinu-sino na ngayon ang nakakaalam na ibibigay niya ang lalaki kay _____ (ang magaling na male singer) kapag may inaalok siya.

"'Dun siya nagkamali, sa halip na maiwasan niya na kumalat ang milagro niya, lalo pa siyang nabubulgar ngayon, sa kagustuhan nu'ng guy na makapagbigay nang makapagbigay ng lalaki sa kanya," paliwanag ng aming source.

Napakadaling hulaan kung sino ang male-singer na ito na unti-unti nang lumalabas sa kanyang pinagkakanlungan, katunog ng isang uri ng hiyas ang kanyang pangalan, tunog-pulitikong banyaga naman ang kanyang apelyido.

May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: