Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, July 27, 2008

OMB Chairman Edu Manzano on Senator Bong Revilla: "Wala kaming problema."

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

OMB Chairman Edu Manzano on Senator Bong Revilla: "Wala kaming problema."
OMB Chairman Edu Manzano on Senator Bong Revilla: "Wala kaming problema."

Dumating pareho sina Optical Media Board (OMB) Chairman Edu Manzano at Senator Bong Revilla sa birthday party ni Cristy Fermin noong July 22. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Edu sa taping ng kanyang game show sa ABS-CBN, ang Pilipinas, Game KNB?, sinabi niya na hindi raw sila nagkita ni Bong sa party.

"Actually, hindi ako nagtagal kasi I had to go to Daddy Dolphy... Sorry I call him Daddy kasi kung meron isang tao na dapat nating ma-appreciate at tularan pagdating sa pagiging makatao, it's Daddy Dolphy, yung kanyang people's skills. Nobody is perfect. I'm sure meron din siyang ilang mga bagay that we don't have to elaborate that he is not proud of. Pero ‘pag nakikita mo pagdating sa tao, I love the way he takes care of people," umpisa ni Edu.

Dahil kay Dolphy kaya siya umalis ng party ni Cristy?

"No, kulang kami sa Umagang Kay Ganda kaya hindi puwedeng mag-absent. That's why umuwi agad ako. Makita ko lang, makabili ng libro, and balik agad ako, I went home."

OPTICAL MEDIA LAW. Labis bang nasaktan si Edu noon sa mga sinabi sa kanya ni Bong tungkol sa performance niya bilang OMB Chairman?

"No, there's no problem with that," sabi ni Edu. "As a matter of fact now, we're going to be bring back to... Yung both houses kasi, well, gusto sana naming maamendahan yung batas, yung Optical Media Law. Kasi kailangan nang baguhin, e, dahil dati-dati, hindi nagiging liable ang mga malls sa piracy. Ibig sabihin, yung mall kahit nagbebenta ng drugs, hindi mo... You can say that, puwedeng magbenta sa malls ng drugs at ibang illegal na bagay sasabihin mo, ‘Hindi ko alam, e.' So, walang provision na ‘yan, e. Like yung Quiapo, wala na ‘yan, e. Dati yun ang mecca; ngayon hindi na. Bakit ka pupunta ng Quiapo?

"Wala na rin ang Greenhills. Yung Virra Mall, sarado na. But there are pocket places now, e. Mga maliit na tindahan, may mga maliliit na mall. Bakit ka babiyahe to Quiapo para bumili when you can find it in other places na madali lang parking, may aircon, hindi marumi, di ba? Hindi risky.

"And ang problema naman, like yung piracy today, hindi na yung bilog, e. Computer-internet downloading. Yun ang pinakabago. ‘Tsaka mas maganda ang kopya. Mas malinaw. So, why will you, bakit ka pa lalabas ng bahay mo? Puwede kang kumuha ng music, pwede kang kumuha ng pelikula sa computer. So, bakit ka pa magbabiyahe? Magta-taxi ka, magbu-bus, gagastos ka pa?" lahad ni Edu.

Willing ba siyang makipagkasundo kay Bong?

"I don't have a problem naman, e. Wala kaming problema," maikling tugon ni Edu.

IS EDU RUNNING IN 2010? May balita na tatakbo si Edu for senator sa 2010. Totoo ba ito?

"Magandang konsepto ang politika if it is sincere. I don't believe sa concept of spending P100 million para manalo ‘tapos sasabihin mo gusto mong tumulong sa tao. E, gagastos ka ng P100M sa kampanya? E, di ibigay ko na lang sa tao.

"I would rather na if possible, I don't mind working as a staff. I don't mind working as a researcher. Gusto ko pa rin sa politika but I don't really have to be a candidate. Pero gusto ko makita talaga that everybody is working towards a common goal at hindi puro sariling interes lang."

Tuloy ba ang pagtakbo niya bilang senador sa 2010?

"No, it's not yung ano... Every election naman, di ba, lagi nilang sinasabi, they always have yung kanilang surveys and meron sila yung gusto nila? Pero normal lang yun."

What about him?

"I never declared that I will run. I mean, sa dami ng problema natin, magdedeklara pa ako?"

Ayaw ba niyang tumakbo sa 2010 election?

"No naman," sagot ni Edu. "Sinabi ko naman na, you know, maganda sana kung... Ang naging problema lang naman natin dito, kasi there's too much partisan and politics. You know, maganda yung may mga critical collaboration. There will always be an opposition. Kahit anong bansa may opposition and then also yung critical collaboration or yung pagtutulong. But hopefully...I don't know."

Paano kung siya ang mapili ng kanyang partidong Lakas para maging isa sa kandidato nila sa pagka-senador?

"Hindi naman ganun kadali, e. But it is to be expected naman, e. Kaya lang, ang problema yung kuwan, kailangan gumastos ka and I cannot... Hindi ko pa rin matanggap yung klase nga, kung magkano ang kailangang gastusin para lang manalo. I mean, ang dami kong natutulungan sa show na ito [Game KNB?]. So, if I really want to help, why would I spend?" rason ni Edu.

Kung sakaling tumakbo siya bilang senador, paano na ang dalawang daily shows niya sa ABS-CBN?

"Ano, I will stop. I don't believe na you can serve two masters. You know, you're elected to help provide a future for your electorate. I mean, you cannot serve two masters. Ako, masuwerte ako dahil hindi naapektuhan ang OMB kasi malapit lang dito and I'm there every morning pagkatapos ng UKG and I stay till one."

Pero kung may magbibigay ng pondo para tumakbo siyang bilang senador, tatakbo ba siya?

"You know, nasanay na ako sa mga nagsasabi na may magsu-support-support. Pero when the time comes, sometimes they are not there. Ilan na ang naipit doon? It's not just the ano, e... Ako lang, I value my vote, e. I will not vote for anybody kasi he's my kumpare. I will not vote for anybody because magkasama kami sa TV show. Ang pinag-uusapan dito ang kinabukasan ng pamilya. You're talking about the future of your children and your grandchildren if you‘re lucky to have."

LET THE PEOPLE DECIDE. Ano naman ang masasabi niya sa balitang tatakbo si Bong bilang vice president sa 2010?

"It's a free country naman, e," maikli niyang tugon.

Sa tingin ba ni Edu ay qualified si Senator Bong to run as vice president?

"You know, the people should decide. That's why, I mean si Jinggoy [Estrada], kahit saan ka magpunta, people say Jinggoy is hardworking, you know. He knows what he's doing, nag-aaral sa Senado. But even...nag-usap na kami ni Vilma [Santos, Edu's ex-wife] before. She, too, if ever she decides to run, she likes to go before the people and present her platform of government. Let the people decide."

May naririnig ba siyang feedback on how Senator Bong works in the Senate?

"No, yung akin, in my circle because we talk about Erap [former President Joseph Estrada], so they talked about Jinggoy, that's why. Yung akin, I don't care who you are. Kahit driver ko, puwede namang tumakbong vice president, e, you know. I can run for President if I want. But see, I want to make it easier for people to decide kung sino ang karapat-dapat. I will go to the people and present your platform of government," pahayag ni Edu.

May balita rin na tatakbo ang dating asawa ni Edu at governor ng Batangas na si Vilma as vice president. Ano ang reaksiyon ni Edu rito?

"I would ask her also. Ano ba ang plataporma mo? You know, right now, I look at somebody like, personal ko ‘to ha, it's my vote. I can vote for whoever I want. Hindi dahil kaibigan kita, kumpare kita, or katrabaho kita. Me, I want to look at what's wrong with the Manny Pangilinans of PLDT? You know these are people who have been successful their whole lives. You know, why must it always be about politics? Why can't we bring a true economist? A true businessman? Government should be run like a business, a corporation. Manny Pangilinan I think will make a great vice president," tahasang sabi ni Edu.

EDU ON SON LUIS. Napunta naman ang usapin namin sa anak ni Edu na si Luis Manzano. Ano ang masasabi niya na successful din ang kanyang anak tulad niya sa career nito?

"You know, I stopped worrying Luis a long time ago. Tingnan mo siya, napaka-balanced na bata. Hindi na nga bata, he's already 28."

Handa na ba siyang magkaroon ng manugang ngayong may balita na sila na ni Angel Locsin?

"Hindi, kailangan kong magkaroon ng apo," sabi ni Edu.

Ayaw muna niyang mag-asawa si Luis?

"You know, masuwerte ang magulang na magkakaron ng anak na katulad ni Luis, e. Because so far, he' s been making the right choices in his life. So if ever he comes to that point where he says, ‘Dad, gusto kong ipakilala ko kung sinuman ‘yon,' I know pinag-isipan niyang mabuti. Kasi very deliberate ng batang ‘yan."

Sa tingin niya ba si Angel na ang babaeng pakakasalan ni Luis?

"I like the effect she has on him. I haven't seen them all that much together. But when I do see them together, I like the effect that she has on him."

QUIET LOVE LIFE. What about his own love life?

"It's quiet," diretsong sagot ni Edu.

Magkasama raw sila kamakailan sa U.S. ng nababalitang girlfriend niya ngayon na si Pinky Webb?

"Ay, we... I had to to dahil nahulog ako dito [Pilipinas, Game KNB?] di ba? Lumusot ako sa step ng stage. But I have a history already. Naaksidente ako sa pelikula ni Bong Nung binangga ako ng motor at kinaladkad ako ng sasakyan, ‘tapos nahulog ako sa isang mataas na bodega. So, every time na nagkakaroon ako ng compression dito sa aking likuran, I have to go for a rehabilitation. So, I have a doctor who took care of me in the States sa California. Mga ten days ako doon. Ang ginawa, I had rehab and then binigyan ako ng programa na dito gagawin.

"Si Pinky's family is also in the States, e. May family si Pinky doon and every year kung napapansin ninyo, the whole family all go to the States, e."

Nauna raw siyang umalis papuntang U.S. kesa kay Pinky. Pero si Pinky ba ang nag-aalaga sa kanya ngayon?

"Hindi na kailangan, e. Actually ngayon, ayoko na ng magulong buhay."

Naghahanap pa ba siya ng babaeng makakasama niya ngayon?

"No, not anymore," sagot ni Edu.



Source: PEP

No comments: