Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 8, 2008

NETWORK WAR - BITTER FEVER!!!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

NETWORK WAR - BITTER FEVER!!!
ABS-CBN Classic Logo gma logo

Madalas kung mapansin, sa lahat nang mga entertainment site, na madalas sinasabi nang mga kapuso fans na hindi sila tumatangkilik nang mga produkto na ineendorse nang mga kapamilya talents o artist. Lalong lalo na yung kay Ms. Angel Locsin.
Nagtataka lang ako kung bakit may ganung issue???

Bakit kailangang yun ang maging basehan nang mga tao ngaun? Ibig bang sabihin kahit maganda at dekalidad ang isang produkto, ngunit ine-endorse naman nang isang artista hindi talent nang T.V. network na pinapanoodan mo ay hindi mo na ito gagamitin?? Pwes, kung ganun ka, isa lang masasabi ko sayo, isa kang malaking "EWAN". Ang baba mo namang klase nang tao, para magpadala sa namumuong NETWORK WAR. Unang una hindi ka nabubuhay para sa kanila. May sarili kang buhay. Kung ano sa tingin mo ang produkto na para sa iyo ay maganda at magaling yun ang gamitin mo. Hindi yung sobrang solid ka sa artista nang istasyon na hinahangaan mo. Sa tingin ko, taong mga bitter, o nabubuhay sa maling paraan, ang mga taong ganun.

Okey, mag react ang gusto mag react.

No comments: