Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 17, 2008

Nang ibulgar na 'peke' ang whitening product...KORINA SANCHEZ, PINATATAHIMIK, BINIBILI

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Nang ibulgar na 'peke' ang whitening product...KORINA SANCHEZ, PINATATAHIMIK, BINIBILI













WALA sa bansa si kaibigang Korina Sanchez nang ipinalabas ng BFAD (Bureau of Food and Drugs) ang kautusan nitong i-recall o muling i-pullout sa market ang Lucida-DS whitening products along with two other brands (ang siter-product nitong Vaniderm at isang Glutalife brand).

Ito ay matapos na muling mapatunayan ng nasabing ahensiya na meron ngang sapat na basehan at kaukulang datos na nagpapatunay sa minsang 'news item' ni Ate Koring on said brands na kulang ito sa gluta content (as per PIPAC findings) taliwas ng ina-advertise nito.

Nasa Japan noon ang magaling na news anchor, pero agad naman niyang nalaman ang good news lalo pa't madalas niyang panindigan sa programa nilang Failon at Sanchez sa DZMM Teleradyo na "Marami pang brands ang nanloloko ng publiko habang sila ay nagpapayaman. Kailangan nang buhayin ulit ang konsumerismo sa bansa at pangalagaan ang mamimili."

Isa kami sa mga natuwa sa balitang ito dahil kilala naming makatarungang maghanap ng balita at manaliksik si Ate Koring. Pero gaano kaya katotoo ang natisod naming tsika na nang dahil sa intriga na nalikha ng 'expose' noon ni Ate Koring, ay merong ipinadalang emisaryo diumano ang nasabing kumpanyang nasagasaan nito to offer her a huge amoung of money?

Nakakaloka, pero may balita ngang ganu'n dati. Ateng Janiz. But of course, hindi 'yun pinatulan ng paborito naming news anchor! And since this good news came out, masasabi nating isa na marahil ito sa mga makabuluhang 'vindication' na naranasan ni Ate Koring sa tinagal-tagal na rin niyang nakikipaglaban para sa katotohanan at katarungan ng kanyang mga balita!

Congrats, idol at ipagpatuloy mo pa ang mga ganyang pakikipaglaban!!!

Halaw sa panulat ni Ambet Nabus sa kanyang column sa diyaryong Bulgar

No comments: