Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 24, 2008

Nakukuha ang magustuhan...BIG STAR NA AKTRES, NA-CURIOUS, 'DI TINANTANAN ANG DAKS NA SIKAT NA AKTOR MATIKMAN LANG

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Nakukuha ang magustuhan...BIG STAR NA AKTRES, NA-CURIOUS, 'DI TINANTANAN ANG DAKS NA SIKAT NA AKTOR MATIKMAN LANG


BLIND ITEM: MAIGSI lang ang blind item na ito, pero kumakagat naman, katimbang nito ang isang napakahabang lintanya dahil ang mga sangkot sa kuwentong ito ay dalawang malalaking pigura sa showbiz.

Sa una pa lang nilang pagkikita ay nagulantang na ang sikat na aktor sa itinanong sa kanya ng isang sikat na aktres, "Are you well endowed?"

Nagulat man ang aktor ay umiral siyempre ang kanyang pride, kaya ang sagot niya naman sa sikat na aktres, "It's for you to find out!"

Mula nu'n ay naging malaking palaisipan na sa aktres ang isinagot sa kanya ng aktor, gumawa na siya ng paraang magkaroon ng kaganapan ang lahat, kung tutuusin ay siya pa ang nanligaw sa aktor kaya nagkaroon sila ng relasyon.

At nu'ng maging sila na nga ay napatunayan ng sikat na aktres, totoo nga pala ang sinabi sa kanya ng aktor, meron nga pala itong kredibilidad dahil sa una nilang pagbiyahe sa langit ay halos hindi na siya nakagalaw dahil sa laki ng armas ng kanyang kalaban.

Tapos na rin ang kanilang relasyon ngayon, matagal na silang hiwalay, meron na silang kani-kanyang kasama sa buhay ngayon pero siguradong hindi pa rin nakakalimutan na aktres ang kaligayahang naibigay sa kanya noon ng sikat na aktor.

Huwag n'yo na akong piliting magbigay ng clue, ito na lang sana ang pa-birthday n'yo sa akin, kaya siguradong marami-raming mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Ha!Ha!Ha!Ha!

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: