Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Nakakakilabot ang tilian ng mga fans nina Sarah at John Lloyd sa Cebu!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Nakakakilabot ang tilian ng mga fans nina Sarah at John Lloyd sa Cebu!
Written by Pilar Mateo

JAMPACKED ANG SM Mall ng Cebu City noong Biyernes ng hapon!


Kaya kitang-kita kung gaano kamahal at sinusuportahan ng nasabing bayan ang tambalang Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, na mapapanood na sa inaantabayanang A Very Special Love mula sa Star Cinema na ipalalabas na sa July 30.


Sinamahan namin ang dalawa sa press conference nila sa The Parklane Hotel at pinulsuhan namin kung anong chemistry mayroon ang bagong tambalan.


At ease at komportableng-komportable na sa isa’t isa sina Sarah at John Lloyd, na siya ring nakita ng Cebu press. Kaya naman tuwang-tuwa sa kanila ang mga ito, pati na ang organizer ng nasabing tour sa ‘Queen City of the South’ na si Tita Josie Pereyra.


Umaga kami lumipad via PAL at kinagabihan din eh, bumalik kami ng Manila. Pero bago kami sumakay ng plane pabalik ng Maynila, niyakag kami sina John Lloyd at Sarah sa Mabuhay Lounge para dun panoorin ang guest appearance nila sa The Singing Bee at doon na rin namin nakatsika uli ang dalawa (ang una ay sa isang Thai Restaurant in SM-Cebu) sa kung nasaang level na nga bang talaga ang pagiging magka-ibigan nila.


At inamin ni John Lloyd na hindi naman matatapos ang pagiging magkaibigan nila ni Sarah sa pagsasama nila sa pelikula. Nagulat din kami kay Sarah dahil nawala na ang pagiging aloof nito sa kanyang kapareha.


Sa SM-Cebu Entertainment Hall, pagkatapos ng kanilang mga kanta, dinumog ng fans si Sarah na nagdambahan sa entablado and to the rescue naman agad si John Lloyd. Sabi ni Mommy Divina, kitang-kita niya nang mamutla ang kanyang anak. Pero nung nasa coaster na kami, okay na ang Sarah at tawa na nang tawa at masayang-masaya dahil sa turnout ng taong nanood sa kanila.


Sa totoo lang, kami ng katotong Julie B. (na kasama rin sa lakad na ‘yon) eh, noon lang uli nakarinig ng tiliang halos bumasag na sa aming eardrums. Nakakakilabot. Pandemonium talaga at suporta ang mga tagahanga nila sa dalawa.



Source: Pinoy Parazzi

No comments: