Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 29, 2008

Naghahabol pa rin ang Regal kay Angel Locsin!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Naghahabol pa rin ang Regal kay Angel Locsin!
Written by Nitz Miralles

TATLONG PELIKULA RAW ang sunod-sunod na gagawin ni Angel Locsin sa Star Cinema. Mayroong I Knew I Loved You na pagtatambalan nila ni John Lloyd Cruz, may Bukidnon na gagawin nila ni Piolo Pascual, at Wild Hearts with Aga Muhlach.


Kaya may “daw” ang pagkakasulat namin, dahil wala pang kasiguraduhan ang mga movie projects ni Angel sa Star Cinema hanggang hindi nareresolba ang problema niya sa Regal Entertainment. Nang i-announce ng actress na may gagawin silang pelikula ni Piolo, nag-react si Roselle Monteverde-Teo at sa naging reaction nitong gawin muna nila ang pelikula at saka sila gagawa ng action, para na rin nitong sinabing magkita-kita sila sa korte.
Ang latest na balita sa Angel-Piolo movie, nire-revised daw ang script at ito ang rason kung bakit ang June schedule na shooting ay ‘di nasunod. This is the same project na may shooting sa Australia at Bukidnon nga at nag-training na nga ng horse riding ang actress.



Source: Pinoy Parazzi

No comments: