Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 29, 2008

Nagbuyangyang na rin kasi...MARK ANTHONY FERNANDEZ PINAGPIPISTAHAN SA INTERNET

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Nagbuyangyang na rin kasi...MARK ANTHONY FERNANDEZ PINAGPIPISTAHAN SA INTERNET

BUKOD kina Piolo Pascual, Sam Milby, Jon Avila, Richard Gutierrez at Dingdong Dantes, isa sa mga binansagang Crush ng Bayan ay si Mark Anthony Fernandez na dinaragsa ngayon ng mga fans thru internet.

Maraming viewers ang naseseksihan ngayon kay Mark lalo na nang mapanood nila itong nakasuot ng trunks sa isang eksena sa Ako si Kim Sam Soon.

Medyo nabitin daw ang mga nakapanood dahil ang bilis-bilis ng nasabing sexy scene ni Mark Anthony. Sana raw, maulit muli ang sexy exposure ng aktor sa ASKSS.

Natatawa na lang at halos hindi makapaniwala ang leading man ni Regine Velasquez nang sabihin namin ang request ng maraming televiewers.

Ayon pa kay Mark, bukod sa pagsusuot ng trunks ay puwede pa rin siyang maging mas daring kung hinihingi at talagang kailangan sa eksena. Pero hindi naman darating sa puntong lilinya na siya sa pagiging bold actor.

Bida-kontrabida ang image niya ngayon at nangangarap siya na sana, magawa ang remake ng isa sa mga pelikula ng daddy niyang si Rudy Fernandez, ang Inside Job na pinagsamahan ni Daboy at ng yumaong magaling na aktor na si Ace Vergel. At si Richard Gutierrez ang pangarap niyang makasama sa movie upang gumanap sa role na dating ginawa ni Ace.

Well, why not? Tutal, lumilinya na rin ngayon sa action genre si Richard. Pareho silang ma 'k' na pumalit sa mga senior action stars.

Maraming advise, pointers at words of wisdom na iniwan si Daboy kay Mark Anthony bago ito tuluyang namaalam sa mundo. Kaya naman, bawat project na ibigay sa kanya ay sineseryoso at tinatrabaho niya nang husto.

Mahalaga para kay Mark ang opinyon ng kanyang direktor sa kanyang performance. Kaya naman, kahit na comedy pa ang ASKSS, hindi siya pa-easy easy lang sa set, lalo na't isang Regine Velasquez ang kanyang kapareha at magagaling na artista ang kanilang kasama.

Lagi siyang nagtatanong kina Regine at Direk Dominic Zapata bago gawin ang malalaking eksena. Tulad ng magaganap sa linggong ito kung saan may kissing scene na sila ni Ms. Songbird na kinunan sa gitna ng isang rotonda sa Tagaytay City.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: