Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 9, 2008

Melissa Ricks on Matt Evans: "He is very special."

Melissa Ricks on Matt Evans: "He is very special."

Melissa Ricks on Matt Evans: "He is very special."

Kapansin-pansin na blooming hindi lang ang career kundi pati ang aura ni Melissa Ricks ngayon. Isa kaya si Matt Evans sa mga dahilan?

"Siyempre naman po kasama siya do'n dahil nga magkasama kami ngayon dito sa Iisa Pa Lamang. Basta masaya ako ngayon sa takbo ng mga bagay-bagay, lalo na sa career ko," sagot ni Melissa nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nanliligaw na ba sa kanya si Matt?

"Ay, siya na lang po ang tanungin n'yo. Nakakahiya naman kung sa akin manggagaling yun, di ba?"

Very sweet daw kasi sila ni Matt kahit off-screen?

"Sweet naman kasi talaga si Matt. Napaka-thoughtful pa po niya. Caring. Lagi nga siyang may food para sa akin basta nasa set kami ng Iisa."

Gaano na ba sila ka-close ni Matt sa isa't isa?

"Very close po. Kasi kami naman ang madalas na magkasama ngayon, lalo na ngayong magkasama pa kami dito. Madalas din kaming mag-textan, gano'n."

May posibilidad kayang ma-in love siya sa gestures ni Matt?

"Kahit naman siguro sinong girl, basta caring at thoughtful ang isang guy, mai-in love siya. Opo, mai-in love siguro ako sa gano'ng guy."

One-liner niyang feeling para kay Matt?

"He is very special!"

LEARNING EXPERIENCE. Nung nagsisimula pa lang si Melissa, nagkaroon siya ng negative publicity about her acting skill.

"Yeah, back nung Panday with Jericho [Rosales]," pag-amin ni Melissa. "Fourteen [years old] lang naman po kasi ako nun at talagang wala pa po akong experience sa acting. Kaya medyo hindi po talaga naging maganda ang resulta nun. Anyway, it's a learning experience.

"Ngayon, I'm really glad na binigyan nila ako ng chance dito sa Iisa Pa Lamang. This time, I want to prove na may talent din naman po ako sa pag-arte. Nakakahiya naman siguro kung mapag-iiwanan ako ng mga kasamahan ko dito. Ang gagaling talaga nilang lahat. And I really consider this project as my biggest break today."

SAMPALAN SCENE. Naikuwento rin ng young actress sa presscon ng Iisa Pa Lamang ng ABS-CBN kagabi, July 8, ang matinding sampalan nila ni Claudine Barretto na ipinapakita sa trailer ng naturang teleserye.

"Actually, na-take two pa nga yun, e. Kasi after kong sampalin si Ate Claudine, napaiyak po ako sa sobrang kaba at nerbiyos. ‘Tapos nung makita niya na umiiyak na nga ako, hindi niya na natuloy yung part niya. Siyempre, nagtaka siya ba't nga ako umiyak.

"Tinuruan naman po ako ni Ate Claudine ng tamang pagsampal na hindi masakit. So, nung second time na ginawa na namin yung eksena, okay na po ako. Pero yung dalawang sampal ko sa kanya, katumbas nun yung isang matinding sampal niya sa akin. Pero okay lang po yun, kasi si Claudine Barretto naman ang sumampal sa akin!" biro pa ni Melissa.

Obviously, bilib ang ABS-CBN sa chemistry nina Matt at Melissa kaya sila isinama sa powerhouse cast ng Iisa Pa Lamang, na kinabibilangan din nina Gabby Concepcion, Claudine Barretto, Diether Ocampo, Angelica Panganiban, Cherrie Pie Picache, Direk Laurice Guillen, Joel Torre, at Ms. Susan Roces.

Kaya ang wish ni Melissa, "Sana nga magtagal din ang team-up namin, tulad nina Ate Claudine at Kuya Diether na hanggang ngayon click pa rin sa mga tao."



SOURCE: PEP

No comments: