Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, July 20, 2008

Matt Evans gets rid of curly locks for his role in "Iisa Pa Lamang"

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Matt Evans gets rid of curly locks for his role in "Iisa Pa Lamang"
Matt Evans gets rid of curly locks for his role in "Iisa Pa Lamang"

Umiiba ng diskarte ang young actor na si Matt Evans. Isa sa iilang masuwerte si Matt, lalo na nang ipagkatiwala sa kanya ang pagiging bida sa Pedro Penduko series noon sa ABS-CBN na talaga namang naging super-hit sa mga manonood. Ngayon, may attempts na magpaka-versatile si Matt.

"First drama soap ko bale ang Iisa Pa Lamang," bungad ng young actor nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "I play the role of Toby Torralba, bale kapatid ko si Gabby [Concepcion] sa series, at challenging ang role ko dahil rebelde, kaya may inner conflict.

"Kami pa rin ni Melissa [Ricks] dito, and I'm happy na ganoon. Kasi, comfortable with each other na kami. Bale si Melissa ang sinasabing 'Iisa Pa Lamang' sa buhay ng character ko rito. Bawat isa kasi sa amin, may taong parang pinakamahal sa amin. Ganoon," pahapyaw na kuwento ni Matt tungkol sa bagong teleserye ng ABS-CBN.

Mula sa Pedro Penduko, naisalang pa si Matt sa short-lived na Princess Sarah at nakasama pa siya sa isang month-long series na itinampok sa Your Song.

Sabi pa ni Matt, "Kung tutusin, mula sa Pinoy Big Brother Teens noon, nagtuluy-tuloy ang exposure ko sa TV. Naging regular pa ako sa ASAP, hanggang ngayon."

NEW IMAGE. May pagka-clean-cut, boy-next-door na ang appeal ni Matt ngayon.

"'Yung big bosses ang nagsabi sa akin na subukan ko na yung ganitong hairstyle. Tapos na yung mga araw na curly ang hair ko," natatawang sabi ni Matt.

"Sa Princess Sarah, nasubukan ko pa yung long hair ako. May pagka-character ako noon, and this time, gusto nilang sumubok ako ng drama at tingnan kung ano ang potentials ko sa drama.

"Mas gusto ko na itong ganitong malinis ang itsura ko sa hairstyle ko. Mas comfortable ako. Baka subukan ko uli yung kulot ako, if a role requires na ganoon. But as of now, okey na muna ako sa ganito.

"'Pag kulot kasi, ang init!" nasabi na lang ni Matt habang nangingiti.

FROM PBB TEENS TO DRAMA. Hindi naman daw nababahala si Matt dahil may bagong batch na ng PBB Teens. Baka nga maitsapuwera na siya.

"Naririto pa rin naman ako kaya hindi ko iniisip na ganyan. Trabaho lang ako nang trabaho. Habang nagtitiwala sila sa akin, sasamantalahin ko ito by doing what's best for me or for the show kung saan kasama ako.

"Pinagsasama-sama nga kami, e. Like ang isa sa kasama ko sa bagong PBB Teens, si Beauty [Gonzales]. Yung iba , magkakasama sa My Girl. Palagay namin, ang mas makabubuti, magsuportahan na lang kami, para walang problema," nasabi na lang ni Matt.

Marami pang gustong subukan si Matt. Hindi pa raw siya nakakapag-Maalaala Mo Kaya. Gusto talaga niyang mag-heavy drama. Nasubukan nang mag-action at comedy ni Matt. This time, drama naman.

REAL SCORE WITH MELISSA. Ano na rin nga ang real score sa kanila ni Melissa?

"Ganoon lang talaga kami ni Melissa," sabi pa niya. "We're really just friends, at mas gusto na namin ang ganito. Nakikilala pa namin ang isa't isa, while working.

"So far, wala pa namang balak ang ABS-CBN na i-partner kami sa iba. Kaya habang ganito, ini-enjoy na lang namin. Gusto rin naman kami ng fans, I guess. Lagi nga kaming magkasama dahil halos araw-araw, sa trabaho, magkasama kami, at nagkakahiwalay lang kami kapag pauwi na galing sa trabaho.

"E, 'pag nasa bahay naman, nagtatawagan pa kami, kaya parang hindi rin kami naghihiwalay," natatawang pagwawakas na lang ni Matt.

No comments: