Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 17, 2008

Matapos makipagharap sa bossing ng ABS-CBN, Angel gustong makipag-ayos kay Claudine

cJOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Matapos makipagharap sa bossing ng ABS-CBN, Angel gustong makipag-ayos kay Claudine


LAST Tuesday ay nakipag-meeting na nga si Angel Locsin kasama ang kanyang manager na si Becky Aguila sa Star Cinema and ABS-CBN executives para pag-usapan ang tungkol sa mainit na pinag-uusapan ngayong alitan ng young actress at ni Claudine Barretto kabilang na ang nangyaring konprontasyon sa pagitan ng dalawang aktres sa isang salon noong July 4, 2008.

Para mas klaro ay nagsama si Tita Becky ng isang employee/hairstylist from the salon na nagngangalang Beng na siyang nag-ayos sa dalawang aktres at nakasaksi ng buong pangyayari. Naroroon din ang kapatid ni Angel na si Ella na kasama rin ng young actress sa salon at nakita rin ang nangyari.

Base sa kuwento ni Tita Becky ay naging maayos naman daw ang usapan at naiklaro naman ni Beng ang mga nangyari.

“Base sa salaysay ni Beng, walang sigawang nangyari and both were very professional habang nag-uusap. Klinaro rin ni Beng na wala naman siyang nakitang sinipa ni Angel ‘yung silya,” kuwento ng manager.

Hindi rin daw totoo na tinarayan at dinuro-duro ni Angel ang make-up artist ni Claudine na si Alex and what she did ay sinabihan lang nito nang maayos na ‘kuya, kung ’di ka sigurado, sabihin mo, kasi pagmumulan ito ng issue’.

“I guess it was an unfortunate incident, a small misunderstanding blown out of proportion and walang may gusto ng nangyari. Ayaw din ni Angel ng may kaaway lalo pa nga si Claudine dahil idol niya ito,” pahayag ni tita Becky.

Nagpaliwanag din ang manager kung bakit medyo natagalan ang pagbibigay nila ng panig at ito raw ay bilang respeto na rin sa management.

“Out of courtesy and respect to the management, hindi muna kami nagsalita or nagbigay ng pahayag about the matter at hinintay muna naming magkaroon ng pag-uusap with them.

“Alam n’yo naman, baguhan pa lang si Angel sa ABS-CBN and the last thing na gusto naming mangyari ay ‘yung may makasamaan ng loob,” pahayag pa ng manager.

Idinagdag din ni Tita Becky na willing si Angel na makipag-usap kay Claudine at ayusin ang kung anumang hindi nila pinagkaintindihan at ito rin naman ang kanyang hangad.

“Open si Angel sa pakikipag-ayos and I’m hoping na in time ay darating din ‘yan,” say pa ng manager.

Sa ngayon ay okay naman daw ang aktres at nalulungkot lang sa nangyayaring paglaki ng issue. Mas pinili na lang daw nitong manahimik na lang muna para hindi na lumala pa ang gulo sa pagitan nila ni Claudine.

VINIA VIVAR
Journal Online

No comments: