Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 29, 2008

Mas mukhang totohanan ang Richard-Heart, kaysa Richard-KC

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Mas mukhang totohanan ang Richard-Heart, kaysa Richard-KC

NAKAKAPAGDUDA KUNG TOTOO ngang nagkakamabutihan na sina KC Concepcion at Richard Gutierrez. Kung pagbabasihan mo ang pagiging close ng dalawa, sasabihin mo - sila na nga! Kita naman ang ebidensiya kung gaano sila ka-intimate sa mga pictorial, social gathering at shooting. Hindi natin alam ang tunay nilang saloobin sa isa’t isa – sila lang ang nakakaalam. Teka, hindi kaya isang malaking drama lang ito nina KC at Richard para mapag-usapan hangga’t hindi pa naipalalabas ang launching movie nila For The First Time under Star Cinema.


Paano naman si Heart Evangelista na leading lady ni Richard sa Code Name: Asero na inuugnay rin sa binata? Tuwing makikita mo silang magkasama, super sweet kung magturingan ang dalawa kahit maraming tao. Palaging magka-holding hands at seryosong nag-uusap sa isang tabi. Sabi nga ni Chard, “Hindi mo alam ang puwedeng mangyari, hindi naman mahirap mahalin si Heart. Lahat na yata ng qualities na hahanapin mo sa isang babae nasa kanya na – magaling magluto at maasikaso!” Ipinagluluto pa pala ng dalaga ang kanyang leading man ng Filipino food at dinadala pa nito sa set na gustong-gusto naman ng actor. Pakiwari ko, parang totoo ang nakikita kong relasyon kina Richard at Heart. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang lalim ang kanilang pagtitinginan.



Source: Pinoy Parazzi

No comments: