Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

Mark my word, pagtalikod ng mga promding bebot...MABAIT KUNONG YOUNG ACTOR, SUPER-PINTASERO, MGA FANS, TINAWAG NANG MAAARTE, FEELING-BEAUTIFUL PA

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Mark my word, pagtalikod ng mga promding bebot...MABAIT KUNONG YOUNG ACTOR, SUPER-PINTASERO, MGA FANS, TINAWAG NANG MAAARTE, FEELING-BEAUTIFUL PA


BLIND ITEM: IDINEPENSA namin ang isang batang aktor sa kuwentong nakarating sa amin. Lumalabas kasi sa mga impormasyon na bukod sa suplado na ang young actor ay pintasero pa.

Sa tagal na ng panahong nakakasama namin siya sa mga shows sa malalayong probinsiya hanggang sa entablado ng kampanya ay wala kaming nasilip na ganu'ng ugali ng batang aktor.

Mabait nga siya sa mga tagahanga, kahit halos mahulog na siya sa stage ay pinipigilan nang kumamay ng staff ng pulitiko ay sige pa rin siya sa pakikipagkamay, katwiran niya ay minsan-minsan lang naman siyang nakararating sa mga ganu'ng lugar.

Kapag bumaba na siya sa entablado, kahit pasakay na siya sa kanyang kotse, kapag may mga tagahangang lumalapit sa kanya ay pinagbibigyan niya pa rin ang mga ito para sa picture taking.

Bibihira ang mga artistang kahit popular na ay puwede pa ring lapitan nang tutukan, 'yung halos magkapalitan na talaga sila ng mukha ng mga tagahanga, dahil karamihan sa mga artista ay merong mga hawi boys.

Pero kuwento ng aming impormante, nu'ng minsan daw na mag-show sa isang probinsiya ang young actor na ito ay sumama ang loob sa kanya ng isang grupo, may mga kasama raw siyang katropang dancers nu'ng gabing 'yun.

"May nagpapa-autograph sa kanya, puro mga babae, kilig na kilig sa kanya 'yung mga bagets dahil napapanood lang siya dati sa TV, tapos, nakita siya nang personal.

"Pumirma naman siya, nakipag-pictorial din siya, talagang super-kilig sa kanya ang mga babae. Kaso nu'ng tumalikod na ang mga girls, nagsalita siya, 'Ang aarte! Feeling-beautiful!'

"Hindi niya alam na katabi lang niya 'yung kaibigan ng mga babaeng nagpapirma sa kanya. Dinig na dinig nu'ng lalaki ang pagkakasabi niya na ang aarte raw at feeling-beautiful 'yung mga babae!

"Pagkatapos niyang sabihin 'yun, nagtatawanan pa sila ng mga katropa niya, pinagtatawanan nila 'yung mga babae na in fairness, e, magaganda naman, kaya lang, promding-promdi ang porma at hitsura.

"Kaya nu'ng mag-perform na siya kasama ang mga dancers niya, merong nambu-boo sa kanya sa audience, 'yun ang tropa ng mga babaeng pinintasan niya, napabalita pa nga 'yun sa mga tabloid, e.

"Sana, next time naman, huwag siyang nagsasalita ng ganu'n, mabuti nga at pinagkakaguluhan siya, mabuti nga at may nagpaparetrato sa tabi niya, matakot siya kapag wala na!" sabi ng aming impormante.

Narinig na namin ang buong kuwento pero dumedepensa pa rin kami, hindi kasi ganu'n ang pagkakilala namin sa batang aktor, gusto na lang naming isipin na ibang tao ang nagsalita nu'n at hindi siya mismo.

Marespeto siya sa mga tagahanga, magiliw siya sa kahit sino at hindi siya namimili, isa ang batang aktor na ito sa mga pinupuri namin ang pakikutungo sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Mark my word, mabait at marespeto siya, walang rehas na nakapagitan sa kanya at sa mga tagahanga niya.

May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: