Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 16, 2008

MAGALING A MABAIT KUNONG AKTRES, PINAGBINTANGANG NINAKAWAN NG MATANDANG YAYA NG MISTER NA AKTOR MAPALAYAS LANG SA BAHAY

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

MAGALING A MABAIT KUNONG AKTRES, PINAGBINTANGANG NINAKAWAN NG MATANDANG YAYA NG MISTER NA AKTOR MAPALAYAS LANG SA BAHAY




BLIND ITEM: PARANG teleserye ng totoong buhay ang ikinuwento sa amin ng isang source na may alam sa mga kamalditahan ng mabait kunong aktres, pero huwag ka, kesehodang may maagrabyadong tao masunod lang daw ang gusto niya.

Kuwento ng source, "Nu'ng time na nagli-live in pa lang sila ni _____(aktor na asawa niya na ngayon), dinala ni _____ ang mga driver at yaya niyang matagal nang nanunungkulan sa kanya sa bahay nila ni _____ (malditang aktres).

"E, kaso, 'di type ni ____ (aktres) ang matanda nang yaya ni ____ (aktor). Ang gusto niya, 'yung mga yaya niya at katulong sa bahay nila ang dalhin at isama niya sa bahay nila. Kaya ayun, ang pobreng matanda, ginawan niya ng istorya. Kesyo nagnakaw daw ng alahas niya, e, ang tagal-tagal nang yaya 'yun ni ______ (aktor).

"Ano pa nga bang magagawa ni _____ (aktor), e, sobrang in love siya sa asawa niya? Di pinalayas 'yung matanda kahit masakit sa loob niya. At ano namang laban nu'ng matanda sa kanya, e, siyempre, siya nga ang asawa, 'no!" tuluy-tuloy na kuwento ng taong may alam sa ginawang pagtatahi-tahi ng kuwento ng malditang aktres.

"Sayang, paborito ko pa naman siya 'pag napapanood ko sa mga teleserye niya. Ang galing-galing niya kasing umarte. Pero ngayon, tinabangan na ako sa kanya," sabi pa nito.

Bihira naming makatsikahan at hindi pa rin namin nahuhuli ang tunay na ugali ng aktres kaya ayaw namin siya husgahan. Pero kung totoo ang mga ikinuwento ng aming source, sasabihin namin sa aktres na "Saan ka man naroroon, e, hahabulin ka rin ng kunsensiya mo isang araw."

Halaw sa panulat ni Janice DS Navida sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: