Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

Lorna nagulat sa balitang lilipat na siya sa ABS-CBN

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Lorna nagulat sa balitang lilipat na siya sa ABS-CBN

Nakakapagtaka kung bakit isinulat ng ilang PRO ng ABS-CBN 2 na tuloy na ang paglipat ni Lorna Tolentino sa Kapamilya Network. Hudyat na raw ang pag-guest ni Lorna sa ASAP nu’ng Linggo, kaya tinanggap na raw nito ang alok na talk show at isang teleserye.

Kahit si Lorna ay nagulat din sa mga naglabasang balita. Sa totoo lang, wala pa siyang tinatanggap na alok mula sa ABS-CBN 2 at pati na rin sa GMA 7. Ngayong linggo pa lang siya makikipagmiting sa mga executive ng Dos at pinag-aaralan din niya ang alok ng GMA 7. Next month matatapos ang kontrata niya sa Startalk na babalikan pa niya pagkatapos ng 40 days ni Kuya Rudy.

Natutuwa si LT sa importansyang ibinigay ng ABS-CBN kay Kuya Rudy pati na rin sa kanya, pero marami siyang ikinukunsidera bago niya tanggapin ang alok ng isa sa dala­wang higanteng network. Depende syempre kung saan ang mas magandang project at kung financially-rewarding ba naman. Sobrang sakit ng ulo ang umatake kay LT pagkatapos niyang lumabas sa ASAP nu’ng Linggo.

Maganda ang tribute ng ASAP kay Kuya Rudy para sa Daboy sa ABS-CBN na magsisimula na sa Biyernes nang gabi. Sa mga kinanta nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Rachel Ann Go, Christian Bautista, Eric Santos, Mark Bautista, Ronnie Liang, JR Siaboc at Jed Ma­dela, maiiyak ka talaga.

Pinipigilan ni LT na umiyak, pero napapaluha pa rin siya. Ang pakiramdam daw niya, parang tinu-torture na siya habang nakaupo at nakikinig sa mga awiting handog kay Daboy, dahil ayaw niyang umiyak. Sa sobrang pagpipigil ni LT, inatake siya ng sobrang sakit ng ulo.

Ilang beses na siyang pinagsabihan ni Manay Lolit na iiyak niya para mailabas ang lahat na nara­ramdaman niyang sakit pero ayaw ni LT. Ayaw raw ni Kuya Rudy ng melodramatic kaya pati ang pag-ayos ng mga gamit ni Kuya Rudy ay hindi niya magawa dahil hindi pa raw niya kaya.

Bukas ang 40th day ni Kuya Rudy. Isang misa ang inihanda sa The Heritage Park na dadaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan. Gusto ni LT na sila na lang at hindi na papa-co­ver sa media.

Pagkatapos ng 40 days ay pag-iisipan pa ng aktres kung kaya na ba niyang bumalik sa trabaho.

ABU TILAMZIK
Abante Tonite

No comments: