Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

Lorna abala sa Mausoleum; August 2 pa ang balik sa TV

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Lorna abala sa Mausoleum; August 2 pa ang balik sa TV

Sa August 2 pa babalik si Lorna Tolentino dahil busy siya sa pag-aasikaso sa musoleo na ipatatayo niya para kay Rudy Fernandez sa Heritage Park.

Parang architect si LT dahil pinag-aaralan niya talaga ang design ng musoleo na puwedeng maging half-way house dahil magkakaroon ito ng sariling kitchen, bathroom at silid-pahingahan.

Parang bahay ang musoleo kaya siguradong pang-construction din ng isang bahay ang budget nito.

Mag-uumpisa na nga palang mapanood sa ABS-CBN sa July 18 ang mga pelikula ni Daboy.

Ang timeslot ng Maalaala Mo Kaya ang magiging timeslot ng Daboy movies dahil ililipat sa araw ng Sabado ang show ni Mama Charo Santos-Concio.

Magiging visible si LT sa mga shows ng ABS-CBN dahil ipo-promote niya ang mga pelikula ng kanyang asawa.

Sisimulan ang constuction ng musoleo pagkatapos ng 40th day mass para kay Rudy na exclusive na mapapanood sa Startalk.

LOLIT SOLIS
Pilipino Star Ngayon

No comments: