Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

Lola ni Paul, botong-boto kay Toni Gonzaga

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Lola ni Paul, botong-boto kay Toni Gonzaga

Hindi nakarating si Toni Gonzaga kahapon sa thanksgiving lunch para sa success ng kanyang katatapos na major solo concert sa Aliw Theater.

Nasa Pampanga si Toni para sa shooting ng My Big Love, na hindi pa nila tapos gawin kahit meron na itong playdate (Pebrero 27). May ilang ni-reshoot at dinagdag na eksena para lalong mapaganda ang pelikula.

Ang matsikang madir ni Toni na si Mommy Pinty ang nakausap namin. Kuwento niya, halos one week lang nakapag-rehearse si Toni para sa nasabing concert dahil halos everyday ang shooting nito ng My Big Love, tapos ay may taping pa ng Maging Sino Ka Man.

Maraming pumuri sa concert ni Toni at tuwang-tuwa ang producers nito dahil puno ang Aliw Theater. 5:30 PM pa lang daw ay mahaba na ang pila. Malamang magkaroon daw ito ng repeat sa Marso, doon pa rin sa Aliw.

Obvious na very proud kay Toni ang nobyo niyang si Direk Paul Soriano dahil nanood ng show ang buong pamilya nito.

Isang row ang Soriano family at 15 tickets ang binili ni Direk Paul para sa kanyang parents, lola at iba pang kapamilya (kasama pati apat na maids).

Habang nagpe-perform sa stage si Toni ay aligaga sa pagkuha ng pictures si Direk Paul. Pero may mga nakakita na paglabas ng guest ni Toni na si Sam Milby ay big­lang itinago raw ni Paul ang camera nito at hindi kinunan ang dalawa.

Bilib ang mga magulang ni Toni sa pagiging mabait at matiyaga ni Direk Paul kaya masaya sila na ito ang first boyfriend ng kanilang dalaga.

Kuwento ni Mommy Pinty, parehong walang hilig lumabas ang dalawa kaya madalas ay nandu’n lang ang mga ito sa bahay nila, nag-i-Internet o nanonood ng DVD.

Minsan lang daw nagdi-date ang mag-sweetheart para manood ng sine.
Natawa kami sa reak­syon ng madir ni Toni sa isyung nagkaroon ng MU (o mutual understanding) noon sina Toni at Sam.

Sey ni Mommy Pinty, sa pagkakaalam niya ay mga apat na beses nakadalaw dati sa bahay nila si Sam at naging malapit ito kay Toni, pero hindi raw niya alam na nagkaroon pala ng ‘unawaan’ ang dalawa.

“MU na pala ang tawag du’n?” tila nagtataka pang bulalas ni Mommy Pinty.
May sinabi pa siya tungkol kay Sam na ikinaaliw namin, pero hindi na lang namin ‘yon isusulat.

Ang lola ni Direk Paul ay mukhang botong-boto kay Toni dahil last Christmas ay niregaluhan nito ng iPhone ang dalaga, kaya may ternong iPhone ang magsyota.
Galante ang nobyo ni Toni dahil bukod sa Prada bag, Tiffany necklace at latest iPod speaker ay marami pa itong niregalo sa girlfriend.

Touched si Mommy Pinty dahil binigyan siya ng NineWest bag ni Direk Paul at kay Daddy Carlito ay Nike shirts at cap na may nakasulat na Gonzaga (na inorder pa ni Paul online mula sa isang sikat na Gonzaga University sa Amerika).

Hindi pa man naipapalabas ang My Big Love nina Toni, Sam at Kristine Hermosa ay gusto na raw simulan ng Star Cinema ang next movie ni Toni.

My Amnesia Girl ang pamagat nito at si Vhong Navarro ang makakapareha niya sa nasabing romantic comedy na mala-50 First Dates nina Drew Barrymore at Adam Sandler.

No comments: