Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 9, 2008

'Ligaw na Puso ang title dapat ng show ko!' -- Roxanne

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News
'Ligaw na Puso ang title dapat ng show ko!' -- Roxanne


‘Ligaw na Puso’ daw ang dapat na title ng kanyang soap pahayag ni Roxanne nang pabiro dahil sa mga hirap na pinagdaan ng puso nito. Naka-recover na nga ang dalaga sa break up nila ni Jake Cuenca at madalas na siyang magpatawa. Pakatutukan pa rin ang Ligaw na Bulaklak sa ABS-CBN kung saan bida ang dalaga.

"Sa ganitong punto ng buhay ko, ayoko muna ng lovelife kasi baka ma-miss ko naman ang career ko" ang sinasabi ng aktres tuwing tinatanong siya tungkol sa lovelife. Masayang-masaya naman ang aktress sa takbo ng career niya. Wala man daw siyang lovelife at least may magandang career naman.

Maganda ang samahan ng cast and crew ng Ligaw na Bulaklak. Karamihan ay baguhan pero magugulat ka sa pinapakitang talento ng bawat isa. "Sa tatlong boys, Kay Sid ako mas madaling makahugot, talagang nararamdamn ko sa eksena si Sid.. ang galing talaga niya." sabi ni Roxanne. "Si Kuya Mark (Abaya) first time nya mag-tv pero lumelevel din..ang galing." dagdag nito.

May nakaline-up na movie project si Roxanne with Willie Revillame ang Mr. Housewife, kaya "super busy" ang magandang aktress sa panahong ito.

No comments: