Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 22, 2008

“Less talk, less mistakes”

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

“Less talk, less mistakes”


Fil-Am ang napanga­sawa ni Ella V at ikinasal sila sa isang city hall noong Marso 2008.

Hindi nahirapan si Ella na iwanan ang showbiz career sa Pilipinas dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawa.

Perma­nente na ang paninirahan ni Ella sa Amerika pero uuwi pa rin siya sa Pilipinas para magbakasyon.

Nakakaintindi pero hindi marunong magsalita ng Tagalog ang asawa ni Ella.

Nahihirapan si Ella na makipag-usap sa kanyang mister dahil kulay itim na raw ang nose bleed niya kapag nag-uusap sila.

“Totoo ang kasabihan na ‘less talk, less mistake’. Hindi ako mas­yadong nagsasalita para hindi mali-mali ang pag-iingles ko,” ani Ella V.

Pareho ng kuwento sina Patricia at Ella V. Aminado si Patricia na hirap pa rin siya sa pagsasalita ng Ingles. Binibigyan niya ng ‘silent treatment’ ang kanyang asawa kapag nag-aaway sila dahil hirap siya na i-express sa salita ang galit niya.

JOJO GABINETE
Abante Online

No comments: