FINALLY, bidang-bida na rin si Mariel Rodriguez at sa kanya napunta ang lead role sa Komiks Presents Mars Ravelo's Vargo kung saan gaganap siyang isang alien na superhero.

Sa hosting job sa Wowowee, Entertainment Live at sa PBB napasabak si Mariel. Ito ang kanyang forte. Pero may ibubuga rin pala siya sa pag-arte at napatunayan niya ito sa kanyang exposure sa Kung Fu Kids, Maalaala Mo Kaya at sa pelikulang Agent X44 at Umuulan, Umaaraw.

Naging usap-usapan din ang relasyon nila ng hunk actor na si Zanjoe Marudo na hindi man diretsahan nilang inamin ay nababasa naman sa kanilang mga kilos kapag magkasama. Ngayong pinagtambal sila sa Varga, siguradong mas titibay pa nang husto ang kung anumang relasyong meron sila.

Sa Varga magkakasanib sa isang katauhan sina Mariel (Vara) at ang batang si Olga na pangarap maging beauty queen. Si Olga lang ang makakakita at makakausap ni Vara.

Mai-in-love at first sight naman sa kanya si James (Zanjoe) na kapatid ng kontrabidang si Xandra (na ginagampanan ni Sheryl Cruz).

Well, challenging ang bagong role ni Mariel sa Varga at hindi na niya dapat palagpasin ang big break at exposure na ibinigay sa kanya ng Dos. May sarili siyang karisma sa tao at 'yun ang dapat niyang pasalamatan at pag-ibayuhin.

Mapapanood na ang Varga simula Sabado kapalit ng Kapitan Boom.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar