Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

KRIS AQUINO, DAMAY NA RIN SA GIYERA NINA ANGEL LOCSIN AT CLAUDINE BARRETTO

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

KRIS AQUINO, DAMAY NA RIN SA GIYERA NINA ANGEL LOCSIN AT CLAUDINE BARRETTO


KINONTRA ng isang impormante ang una naming isinulat na malakas ang boses at nanipa pa ng silya ng parlor si Angel Locsin nu'ng magkaroon sila ng engkuwentro ni Claudine Barretto.

Kung paano naming binigyan ng espasyo ang source namin nu'ng una ay bibigyan din namin ng pagkakataon ang source na tumawag sa amin, gusto lang nitong ikorek ang ilang detalye, para makabalanse naman si Angel sa usapin.

Ang sabi ng aming source, "Hindi totoong malakas na malakas ang boses ni Angel, totoo ring tumayo siya sa tabi ni Claudine, pero wala siyang sinipang silya.

"Ang point lang naman ni Angel, sino sa kanila ang nagparating kay Kris Aquino nu'ng kuwento tungkol sa dressing room. Pinagsabihan daw kasi siya ni Kris, parang napahiya siya.

"Nagtanong lang siya, hindi naman siya nagtaray, wala siyang sinipang silya, matatanong n'yo naman ang mga taga-parlor kung totoo niyang ginawa 'yun. Maraming tao ru'n, alangan namang mag-iskandalo si Angel?" kuwento ng aming source.

Kung totoong mahina lang pala ang boses ni Angel, paano at bakit lumabas sa bibig ni Claudine ang kanyang "Don't make a scene here. There must be something wrong with you, dahil ikaw mismo ang nagsasabing maraming may ayaw sa iyo sa network!"

Sagot ng aming impormante, "Kasi nga, nagtataas na ng tono si Angel, pero hindi siya sumisigaw, mahina lang ang boses niya. Ang boses ni Claudine ang malakas, pinapangaralan niya si Angel, kaya umiyak na lang 'yung isa," katwiran nito.

Mga impormante pa lang ang nagsasalita, hindi pa ang mga taong sangkot mismo sa isyu, kung bibigyan ng panahon nina Claudine at Angel na linawin ang naganap ay hintayin na lang natin ang kani-kanilang bersiyon.

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: