Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 31, 2008

KC Concepcion surprised by rumor that she got irritated with Heart Evangelista

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

KC Concepcion surprised by rumor that she got irritated with Heart Evangelista

KC Concepcion surprised by rumor that she got irritated with Heart Evangelista

Kay Heart Evangelista naman naiintriga ngayon si KC Concepcion.

Ikinagulat ni KC ang nalamang balita na nairita diumano siya kay Heart habang sinu-shoot nila ni Richard Gutierrez ang For The First Time sa Greece, kung saan nanatili sina KC at Richard ng siyam na araw. Ayon sa lumabas na report, ilang beses daw na tumawag at nag-text si Heart kay Richard na siyang ikinais ni KC.

Nang marinig ni KC ang naturang balita sa presscon ng For The First Time kahapon, July 31, sa 9501 restaurant ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound ay napakunot-noo ang young actress-singer sa gulat.

"Ha? Hindi ko alam yon ah!" nakangiti pa rin niyang reaksyon.

Bago pa nag-comment si KC, sumingit na si Richard para ipagtanggol ang kapareha sa Codename: Asero.

"Busy si Heart sa Asero. I'm sure hindi siya ‘yon," sabi ng young actor.

Hindi mapaniwalaan ni KC na may isyu sa pagitan nila ni Heart kaya naman nagbigay na siya ng pahayag tungkol dito.

"I respect Heart bilang aktres. Pinapanood ko po ang mga pelikula niya, yung mga TV shows niya. Kahit hindi ko pa siya kilala, I'm sure mabait siyang tao.

"Hindi naman po ako ganung tao. Saka ‘pag nagkikita kami, nagbabatian naman po kami kahit hindi ko pa siya nakikilala," pagtatanggol ni KC sa sarili kasabay ng paglilinaw niya sa issue.

Naaliw naman si KC sa narinig na balitang nagbiro raw ang ate ni Richard na si Ruffa Gutierrez na "binetray" raw siya nito. May usapan raw kasi sina KC at Ruffa na magtatawagan at mag-uusap tungkol sa mga nangyayari sa kanila ni Richard sa Greece.

Hindi raw kasi sinasagot ni KC ang mga tawag ni Ruffa at pati reply sa text ay walang ipinadala ang dalaga. Gusto raw kasing maki-tsismis ni Ruffa sa mga latest developments ng closeness ng kapatid niya at ni KC.

Sabagay, open naman si Ruffa sa pagsasabing boto siya sa anak ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng aktor na si Gabby Concepcion para sa kapatid na si Richard.

"Mahirap po kasi doon. Hindi ako makasagot ng call," nakangiting paliwanag ni KC.

Sinuportahan naman ni Richard si KC sa pagpapaliwanag nito.

"Habang gumagawa kami ng romantic movie, would you like to answer the call, di ba? Gusto mo ba yun?" sabi ng binata.

Ayon kina Richard at KC, kahit may mga free time sila sa shooting ay abala sila sa kani-kanilang mga trabaho doon.




Source: PEP

No comments: