Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

KC CONCEPCION, HUMAHALIK MUNA KAY RICHARD GUTIERREZ BAGO MATULOG

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

KC CONCEPCION, HUMAHALIK MUNA KAY RICHARD GUTIERREZ BAGO MATULOG

ALAM ni Heart Evangelista kung saan siya lulugar sa buhay ni Richard Gutierrez. Kaya nang sumalang ito sa Don't Lie To Me segment ng Showbiz Central last Sunday, e, nagpakatotoo lang si Heart at 'di ginamit ang chance na pakiligin ang mga fans nila ni Chard para sa promo ng Codename: Asero.

Sey ni Heart, friends lang sila ni Chard at ayaw niyang magalit sa kanya si KC Concepcion at ang mga fans nito.

At tiyak namang matutuwa ang mga fans nina Richard at KC dahil mukhang tuluy-tuloy na ang pagkakamabutihan ng dalawa. Inamin nga ni Chard sa isang interview na may constant communication sila ni KC at bago matulog ay nagte-text pa rin sila sa isa't isa.

Ano'ng text sa kanya ni KC?

"Amin na lang 'yun. Mwah! Ganu'n."
Ganu'n? Ano'ng sagot niya?
"MWAH! All caps lang lahat," nangingiting sey ni Richard.

Ok, fine!

Halaw sa panulat ni Janice DS Navida sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: