Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 30, 2008

KC Concepcion at Richard Gutierrez latest news

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

KC Concepcion at Richard Gutierrez latest news

Hindi lang pala bracelets ang magka-pareho kina KC Concepcion at Richard Gutierrez, pati necklace at sana sa presscon ng For the First Time ng Star Cinema mamaya, aminin ng dalawa ang totoong estado ng kanilang relasyon. Sa madalas na pagyayakapan, laging magka-holding hands at titigang super-lagkit, hindi paniniwalaang “best of friends” lang sila.

Mas kikiligin ang kanilang fans na malamang “sila na” at hindi dahil may movie silang showing sa August 27, kundi dahil ‘yun ang kanilang nararamdaman. Makikita rin ng mga taga-Cebu kung gaano kabagay at ka-sweet sina KC at Richard sa pagpunta nila roon sa Aug. 16, to promote their movie.

Samantala, maraming kuwento sa shooting nila sa Santorini, Greece sina KC at Richard na isini-share nila sa kanilang fans and hopefully, i-share rin nila sa press. Gaya noong pumasok sila sa isang cave at nang lumabas ay puro sugat, dahil bato-bato ang loob ng cave.

No comments: