Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 21, 2008

KC Concepcion at Richard Gutierrez, sweet sa isa't isa

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

KC Concepcion at Richard Gutierrez, sweet sa isa't isa

MAY nagpadala sa amin ng pictures nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa shooting ng Star Cinema’s For the First Time sa Santorini, Greece. Ang ganda-ganda raw ng lugar at conducive for romance, kaya kahit walang eksenang kinukunan si direk Joyce Bernal, sweet ang dalawa at parang mag-syota (kung hindi pa).

Tuluy-tuloy ang shooting nina KC at Richard at August na yata ang playdate ng movie. Sila’y sina Pia at Seth sa pelikula na ang script ay mula kay Vanessa Valdez, scriptwriter din ng A Love Story, You Are the One, at One More Chance.

Abangan pala ang music video nila for the said movie na kinunan, bago umalis sina KC at Richard na kinanta rin ng dalaga. Ginawang pambabae ang areglo ng Kenny Loggins original na bumagay sa boses ni KC.

No comments: