Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

KC Concepcion and Richard Gutierrez arrive today from Greece

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

KC Concepcion and Richard Gutierrez arrive today from Greece
KC Concepcion and Richard Gutierrez arrive today from Greece

Ayon sa isang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na taga-production, sweet na sweet sina Richard at KC sa shooting nila sa Greece. Halos hindi raw naghihiwalay ang dalawa. Obvious daw na mas lalong naging kumportable na sa isa't isa sina KC at Richard, kaya maging ang mga members ng production staff ay kinikilig sa kanilang dalawa.

Si Richard pa raw ang nagbubuhat ng mga gamit ni KC. "She's being treated like a princess by Richard," sabi ng aming source. "Nakakakilig tignan ang dalawa dahil sa kanilang sweetness. Marami raw tuloy ang nagtatanong kung sila na raw ba."

Ayon pa sa aming source, bumili ng matching bracelet and necklace si Richard para sa kanilang dalawa ni KC. Suot kaya nina Richard at KC ang kanilang mga bracelet at necklace pag-uwi nila?

Nine days nag-stay ang grupo sa Santorini in Greece. Pero back to work agad ang dalawa kahit kababalik pa lang nila from their trip.

May shooting si KC bukas, July 24, for her solo scenes ng For The First Time at magre-report na sa taping ng Codename: Asero si Richard.


Source: PEP

No comments: