Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 29, 2008

Kaya parehong nawala sa morning show, EDU MANZANO, UMAMING SABAY NGA SILANG SUMIBAT NI PINKY WEBB PA-TATE

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Kaya parehong nawala sa morning show, EDU MANZANO, UMAMING SABAY NGA SILANG SUMIBAT NI PINKY WEBB PA-TATE
















SI Edu naman, pasulput-sulpot sa dressing room niya para interbyuhin namin. Interesting ang sagot niya sa love life niya.

Nu'ng una, dinig naming description niya rito ay "flying high." When we asked him to repeat what he said, sabi sa amin, "quiet" daw ito.

Malihim si chairman sa parteng ito ng buhay niya. Sinabi niya lang na nagpunta siya sa Tate para sa medication ng likod niya.

Suntok sa buwan nu'ng itanong namin kung pumunta rin ba roon si Pinky Webb. Sabay kasi silang nawala sa Umagang Kay Ganda.

Sumagot naman ito, "She went there kasi her family is there too."

Sunod na tanong namin, "Inalagaan ka ba niya?" Of course, nagdeny si Doods.

Sa tanong kung sino'ng naunang umuwi sa 'Pinas sa kanilang dalawa, sabi niya ay siya raw.

Dahil 'di nga mapaamin nang diretsahan, tanong namin dito, "Are you still looking for someone?" Very definite ang sagot nito, "No."

So, sabi namin sa kanya, "Alam na namin kung bakit 'di ka na naghahanap."

Nag-smile lang ito. Very meaningful ang mga ngiti niya. So, as far as we are concerned, 'di lang onscreen ang partnership nila ni Pinky. Bagay sila, 'di ba?

Halaw sa panulat ni Len Ramos Llanes sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: