Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Katrina Halili had first date after a long time with Joross Gamboa

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Katrina Halili had first date after a long time with Joross Gamboa


Katrina Halili had first date after a long time with Joross Gamboa

Walang tanong na hindi sinagot si Katrina Halili during her formal launch as the latest contract star ng OctoArts Films ni Orly Ilacad sa Guilly's Bar & Grill sa T. Morato, Quezon City kahapon, July 22.

Dalawang pelikula agad ang nakahandang gawin ni Katrina. Una ang One Night Only mula sa sister company ng OctoArts na Canary Films to be directed by Joey Reyes. Official entry ito ng Canary, for the 2008 Metro Manila Film Festival sa December 25. Pangalawa ay ang remake ng Miss X na unang ginawa ng current Batangas governor na si Vilma Santos noong 1979, and will be partly shot in Amsterdam by September or October at ididirek ng original director nito, si Gil Portes, script by Eric Ramos. Under ito ng OctoArts Films.

ALL WORK NO LOVE LIFE. Unang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Katrina ay kung bakit tila wala siyang kapagurang magtrabaho ngayon. Bukod kasi sa regular soap niyang Magdusa Ka with Dennis Trillo, may out-of-town shows at out-of-the country na karaketan din siya. In fact, kagagaling lang niya sa New Jersey, U.S.A., with Allan K, to promote GMA Pinoy TV sa mga kababayan natin na naroon. Meron pa siyang gagawing Gagambino na muli nilang pagtatambalan ni Dennis.

"May ipinagagawa po kasi akong bahay namin sa El Nido in Palawan," nakangiting sagot ni Katrina. "Malapit na pong matapos iyon at doon na nakatira ang mother at brother ko. Malapit na iyong matapos at gusto ko po doon na ako mag-retire kapag wala na akong trabaho. Kaya ipon na lang po ako nang ipon ngayon."

Naitanong tuloy ng PEP kay Katrina kung bakit wala yatang nali-link sa kanya ngayon, kahit ang issue sa sweetness nila noon ng katambal niya sa Magdusa Ka na si Dennis Trillo ay parang lumamig na. Ilan na ba ang naging boyfriend niya, at wala bang nanliligaw sa kanya ngayon?

"Loveless po talaga ako ngayon. Nakatatlo na po akong boyfriend. Una po iyong boyfriend ko noong high school ako, second si Andrew Schimmer at si Bullet Jalosjos po iyong huli, three years ago," kuwento ni Katrina. "Hindi po naman ako mapili sa boyfriend, basta mabait, mahaba ang pasensiya sa akin dahil moody ako, at dahil sa trabaho ko, papasa kung sinuman siya."

DATING JOROSS GAMBOA. Pero may nasulat na nakita raw silang magkasama ni Joross Gamboa?

"Totoo po iyon, nagyaya po siyang manood kami ng sine, kaya nakitang magkasama kami. Nagkasama po kasi kami ni Joross sa isang show sa Butuan City sa imbitasyon ni Direk Maryo [delos Reyes], and direktor ko po sa Magdusa Ka. Doon po kami nagka-bonding, nagkulitan, at hanggang dito sa Manila, naging friends na po kami.

"Iyon nga po, nagyaya siyang manood kami ng movie, last week iyon at sabi ko sa road manager ko na lagi kong kasama, why not, i-try ko namang lumabas. Pumayag ako, pero sabi ko kay Joross, may work pa ako sa umaga kaya 1 p.m. na kami manood ng sine, kasi kailangan ko namang makauwi na ng 6:00 p.m. para maka-rest dahil maaga ang call time ko ng taping ng Magdusa Ka kinabukasan. Excited din naman po ang feeling ko kasi nga, matagal-tagal na iyong hindi ako nakikipag-date.

"Nakakahiya kay Joross, pero wala naman akong nagawa nang natapos ang work ko ng 5:00 p.m. na. Wanted sana ang papanoorin namin, pero hindi na nga kami natuloy, sa halip nag-dinner na lang kami at pagkatapos umuwi na rin ako."

Kumusta naman si Joross para sa kanya?

"Mabait siya, makulit, at sweet din siya. Tuluy-tuloy pa rin ang pagti-text namin every day," nakangiting sagot ni Katrina.

Nang tanungin kung aware ba siyang ex-boyfriend ng magiging co-star niya sa One Night Only na si Roxanne Guinoo si Joross, sumagot si Katrina na alam naman daw niya iyon. Excited nga raw siyang makatrabaho sina Roxanne at Angelica Panganiban na parehong taga-ABS-CBN. Dati naman niyang nakatrabaho na si Valerie Concepcion noong nasa Kapuso station pa ito. Excited din daw siyang makatrabaho si Diether Ocampo.

Paano kung ligawan siya ni Joross, papayag ba siya at may aasahan ba naman ito sa kanya kung sakali?

"Bakit po naman hindi ako papayag kung manliligaw si Joross," natatawang wika ni Katrina. "Wala nga pong nanliligaw sa akin, bakit naman hindi ako papayag? Ayoko rin po namang tumandang dalaga. Pero siyempre, kikilalanin ko po muna siya at titingnan kung magiging matiyaga siya, at kung magiging mahaba ang pasensiya niya sa akin.

"Kasama rin po namin siya sa One Night Only. Pero pagkatapos ko po ng taping ng Magdusa Ka, may show muna kami nina Jonalyn Viray ng GMA Records sa Los Angeles at San Diego, California. Kaya po magkakasabay po ang shooting ko ng One Night Only at pagsisimula ng taping ko ng bagong soap sa GMA-7."



Source: PEP

No comments: