Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 21, 2008

Kapuso Fans - Imbyerna Sa Naudlot Na Paglipat ni Juday!!!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Kapuso Fans - Imbyerna Sa Naudlot Na Paglipat ni Juday!!!



Noong kasagsagan nang isyu, tungkol sa di umanoy tampo nang young superstar na si Judy Ann Santos, sa home network nito na ABS-CBN. Ay agad na kumalat ang balitang, tatapusin lang ni Juday ang kanyang kontrata sa kapamilya network, at agad na itong mag oober de bakod sa kalabang istasyon, ang GMA Network. Dumagsa ang mga Kapuso fans na sumuporta at nakiramay sa kanya. Samantala ang mga kapamilya fans naman ay tumuhimik, at parang nakikiramdam sa susunod na mangyari.


Ngunit, kamakailan ay lumabas ang balitang mananatiling "KAPAMILYA" si Juday, ayon mismo sa isa sa mga head nang ABS-CBN na si Malou Santos. Kinumpirma nito ang pakikipag meeting ni Juday sa mga Executives at mismong may ari nang KAPAMILYA network. Naging maganda ang paguusap, at tanging si Juday na lang ang iniintay, para muling masimulan na ang shooting nang kanyang NURSERYE. Sisimulan na din ang sitcom na pagbibidahan ni Juday, Ryan, at nang comedy queen na si Ai Ai Delas Alas. Ihahanda na din ang pelikula na gagawin niya for Star Cinema, pagkatapos ang pelikula na ginagawa niya for REGAL Films. Tatlong pelikula ang sunod-sunod na gagawin ni Juday sa Star Cinema. Una ang pagtatambalan nila ni Aga Mullach, sumunod ang remake nila ni Claudine nang pelikulang "Ang T-bird at Ako", at ang pagtatambalan nila ni Gabby Concepcion.


Kasabay nang balitang ito, ay ang pagbabago nang mga kapuso fans, na noong una ay ang kulang na lang ay halikan nila sa puwet si Juday, para lang maging ganap na "KAPUSO". Ngunit ngaun ay suklam na suklam na ang mga ito sa young superstar. Sa mga comments na makikita nyo sa PEP at PEX ay puro pamumula at panlalait mula sa mga KAPUSO FANS. Pati mga iniindursong produkto ni Juday, ay isinusumpa nila.

No comments: