Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, July 20, 2008

Kahit umalma pa siya nang umalma, buking na siya...AKTRES-PULITIKO, ITINAKWIL NG MGA KAIBIGAN DAHIL SA PANG-AAHAS SA KANI-KANILANG ASAWA

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Kahit umalma pa siya nang umalma, buking na siya...AKTRES-PULITIKO, ITINAKWIL NG MGA KAIBIGAN DAHIL SA PANG-AAHAS SA KANI-KANILANG ASAWA


BLIND ITEM: MAY isang grupo ng mga negosyante, na nagkawatak-watak nang dahil sa isang aktres. Matibay ang pundasyon ng pagkakaibigan ng mga taong 'yun, pero nakayang wasakin ng aktres, home wrecker kung tawagin ng grupo ang magandang aktres na ito.

Sabi ng isang babae sa grupo, "Grabe ang babaeng 'yun, hanga ako sa kanya. Imagine, dekada na ang binibilang ng pagkakaibigan namin, pero nagawa niya kaming pagwatak-watakin?

"At ibang klase rin siyang magmaniobra, magaling siyang magpaikot ng kuwento, puwede siyang magtrabaho bilang scriptwriter kapag hindi na siya uso at laos na siya," madiing sabi ng isang businesswoman.

Nakapasok sa kanilang grupo ang aktres dahil sa isa nilang kaibigan, nu'ng una ay ayos lang naman ang mga nangyayari, hanggang sa magkaroon ng away ang isang mag-asawa sa grupo nila.

"Nagulat na lang kami, nag-away ang mag-asawang kaibigan namin, nahuli pala nu'ng babae na inahas siya ni ____ (pangalan ng magandang aktres). Imagine, kasa-kasama namin siya, 'yun pala, meron na siyang ginagawa nang pailalim du'n sa isang friend namin?" sabi uli ng aming source.

Nagkaroon pa uli ng isang away, malapit nang magkahiwalay ang isa pang mag-asawa sa grupo, ang aktres na naman ang sinasabing dahilan ng away ng mag-asawa.

"Ganu'n din ang kuwento, inahan niya rin 'yung isang friend namin, meron silang place ng tagpuan, nabuking nu'ng friend naming babae, kaya huling-huli sila!

"Alam mo, kapag nakikita nga namin ang pictures niya sa kalye kapag bumibiyahe kami sa bandang South, gusto namin siyang tiradurin, gusto naming butasin 'yung mukha niya, dahil siya lang ang kaisa-isang taong nakapasok sa grupo namin na nakaya kaming sirain!" sabi uli ng aming impormante.

Matagal na panahon pa muna ang lumipas bago muling nagkasundo-sundo ang buong grupo. Maayos na uli ang grupo, pinagtatawanan na lang nila ngayon ang masaklap na kuwento ng nakaraan nang dahil sa aktres na kinaiinisan pa rin nilang lahat hanggang ngayon, dahil sa kanyang pagiging home wrecker.

"May isa pa kaming tawag sa kanya, Jennifer Lopez! Magaling siyang sumayaw, totoo 'yun, pero ang dahilan kung bakit ganu'n ang tawag namin sa kanya, e, dahil si Jennifer Lopez ang bida sa pelikulang Anaconda.

"'Di ba naman anaconda talaga siya? Inaahas niya ang asawa ng may asawa? Hindi na uli siya makaeentra sa tropa namin, ang kapal-kapal naman ng mukha niya kapag ginawa pa niya uling bumalik!" kuwento pa rin ng aming source.

Naku, napakadaling hulaan kung sino ang tinatawag na Jennifer Lopez ng grupo ng mga negosyante, may posisyon na siya ngayon sa mundo ng pulitika, natupad na ang kanyang pangarap.

Pahabol pa ng aming impormante, "Sige, umalma siya kapag nakarating sa kanya ito. Kami ang harapin niya, tingnan natin kung makapagsasalita pa siya!"

May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: