Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 10, 2008

Kaguwapuhan ni Gabby, ’di pahuhuli kay Diether

Kaguwapuhan ni Gabby, ’di pahuhuli kay Diether


Tatlong concerned showbiz citizens (showbiz citizens daw, o!) ang tumawag kay yours truly nu’ng Monday para mag-react sa ilang items na naisulat namin dito sa Tell & Tell.

Una, hindi raw totoong support lang nina Diether Ocampo at Claudine Barretto si Gabby Concepcion sa bagong teleserye ng Dos, ang Iisa Pa Lamang, na iere na sa July 14.

Karamihan kasi sa press people na nakapanood ng celebrity at press screening ng Iisa Pa Lamang sa SM North EDSA The Block Cinema 2 ay napansin na tipong maganda ang role ni Diether at ito ang lumabas na bida at ka-loveteam ni Claudine kesa kay Gabby gayung he is being tagged as a comebacking actor.

“Ang sabi sa akin ni Deo Endrinal, business unit head, ang napanood ng press people ay para lang sa first week. Ang second week hanggang sa katapusan ay si Gabby na ang bida,” esplika ng concerned citizen sa yours truly na gamitan na lang natin ng codename na “rosas,” tsuk!

Gayunpaman, kahit na ’yung pilot week ay tipong kay Diether, hindi pa rin nito na-outshine ang kaguwapuhan ni Gabby, in all fairness.

Kahit hindi kasing-edad ni Gabo sina Diet at Claudine, hindi naman halata at para lang silang magkakasing-edad batay sa facial registration sa screen, in fairness uli. ’Yon lang!

No comments: